Horoscope | Disyembre 12, 2019 (Huwebes)

Sa may kaarawan ngayong Disyembre 12, 2019 (Huwebes): Gamitin mo ang mga kakayahan mo para sa sarili mong kapakanan. Iwasan mong magamit ng iba para sa kanilang sariling interes.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Mamuhunan ka, ibig sabihin, tumaya ka sa iyong kapalaran. Huwag kang mangamba dahil ang pananalo ay para sa iyo. Kahit kailan, hindi umuunlad ang takot makipagsapalaran sa buhay. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-9-11-22-25-39-44.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Sukatin mo ang kakayahan ng iyong mga makahaharap. Hindi lahat ng maganda ang porma ay may pakinabang at hindi lahat ng nagsasalita ng maganda ay may sinasabi. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-16-17-20-21-27-38.
GEMINI (May 21-June 20) - Nagbabalik ang mga araw na ang suwerte mo ay kakaiba kung saan ang inaasahan ng kapwa mo na mapasasakanila ay himalang mapupunta sa iyo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-11-18-21-24-33-34.
CANCER (June 21-July 22) - Tumaya ka. Ayon sa kapalaran mo, ang munting taya mo ay mananalo nang malaki. Gayundin, ito ay may kahulugan na ang maliliit na kilos mo ay magbubunga ng malalaking pakinabang. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-14-15-20-21-29-30.
LEO (July 23-Aug. 22) - Tanggapin mo ang kaloob ng pagkakataon. Tulad ng dati nang hindi ka umangal, ang malalaking bagay ay sa iyo pa rin mapupunta. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-11-13-18-30-35-39.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Pasayahin mo ang mga kapwa mo at ang langit ang magpapasaya sa iyo. Dahil dito, ang magagandang kapalaran na hindi mo sukat akalain na mapasasaiyo ay ipagkakaloob ng nasa itaas. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-21-23-28-30-35-46.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Kung ano ang maganda, ‘yun mismo ang para sa iyo at kung may mas maganda, ‘yun ang makukuha mo. Ito ay malinaw na patunay na ikaw ay nabubuhay sa kagandahan. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto- 11-18-22-27-31-35.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Tinalo mo ang mabibigat na pagsubok kaya muli mong tatalunin ang mga hamon ng kapalaran na lalagay sa iyong harapan. Ito ang regalo sa iyo ng langit dahil sa iyong kabutihan. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-17-20-24-28-30-34.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Huwag mong hanapin ang nawala, sa halip, salubungin mo ang mga paparating na magagandang pagkakataong may kaugnayan sa katuparan ng malalaking ambisyon mo sa buhay. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-16-17-20-21-24-31.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Batiin mo ang araw na ito nang may ngiti sa iyong mga mata at labi. Magsaya ka at magdiwang dahil ang magagandang kaganapan ay guguhit sa iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-18-20-24-25-36-44.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Hinahanap ka ng mga suwerteng inutusan ng langit na magsidapo sa iyo. Kahit saan ka magpunta, hahanapin ka nila at hindi puwedeng hindi sila mapasasaiyo sa araw na ito. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-5-16-20-22-26-32.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Mabibigo ang aasa, ikaw na nagsasabing ‘bahala na’ ang sobrang sasaya. Ito ang hiwaga ng buhay sa mundo kung saan ang sinusuwerte ay ang mga hindi naghihintay. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-10-19-20-27-39-42.




Comments