8 angat na microentrepreneurs, kinilala ang galing
- Thea Janica Teh
- Dec 12, 2019
- 2 min read
Bulgarific

Hello, Bulgarians! Walong outstanding microentrepreneurs ang nabigyan ng maagang pamasko dahil sila ay kinilala sa Citi Microentrepreneurship Awards (CMA) na inorganisa ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), Citi Philippines at Microfinance Council of the Philippines, Inc. noong November 26 sa BSP Central Office.
Samantala, binigyan ng Special Award for Preservation of Traditions ang dating mentee ng Go Negosyo na si Caroline Jamias ng Tabuk City, Kalinga. Siya ay nagmamay-ari ng native shop na nagbebenta ng handwoven textile at iba pang handicrafts sa Cordillera Region. Isa si Jamias sa 7,000 natulungan ng Mentor Me Program ng Go Negosyo.
“Tulad ng mga atleta, nag-e-excel din ang mga microentrepreneur sa iba’t ibang larangan gamit ang kanilang uniqueness. Nakakatuwang makitang umaasenso at nabibigyan ng parangal ang mga dumaan sa programa ng Go Negosyo. Naabot natin ang lahat ng ito dahil sa organisasyon mula sa public at private sectors na walang sawang sumusuporta sa atin,” sabi ni Go Negosyo Founder Joey Concepcion.
Ilan pa sa mga binigyan ng parangal ay sina Rosanna Sinapilo, owner ng Coco Deli at Rolando Pega, isang spring onion farmer para sa Special Award in Agri Micro-business; Romualdo Blanco, Jr., owner ng PK Maja’s Special for the Youth Microentrepreneur of the Year; Lea Mancera, owner ng Daniel’s Handicraft Weaving and Metal Frame for Luzon Regional Award; Merly Domingo, owner ng Ebina Garment Manufacturing for Visayas Regional Award; Lucrecia Neri, owner ng Manna’s Alternatives Herbal Products at AtiManna Organic Hub for Mindanao Regional Award at ang grand winner na nag-uwi ng Citi Microentrepreneur of the Year ay si Eduardo Azores, owner ng Ali-Ali Pastil.
Ang grand winner ay nag-uwi rin ng Php 200,000 cash prize, samantala, ang regional winners at special awardees naman ay nag-uwi ng Php100,000 bawat isa.
Ito ay ibinigay nina Microfinance Council of the Philippines Chair Eduardo Jimenez, BSP Governor Benjamin Diokno at Rizal Microbank branch head Vivian Quenequez.
Pagbati sa lahat ng nagwagi!
♥♥♥
For event invitations, please, email bulgarific@ gmail.com or PM us on our Facebook page.
Got to go! It’s so Bulgarific!
xoxo





Comments