top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Sana all daw… Sigaw ni Vice: Enjoy na may kasamang dyowa sa trabaho!

  • Vinia Vivar
  • Dec 11, 2019
  • 3 min read

Photo: @praybeytbenjamin

Mahigit isang taon na ang relasyon nina Vice Ganda at Ion Perez. Thirteen months to be exact. Ito ay ayon na rin sa dalawa sa ginanap na grand presscon ng The Mall, The Merrier last Monday night. Monthsary nga raw nila sa Pasko, Dec. 25.

“May anniversary?!” natatawang sabi ni Vice.

Bagama’t magkasama sa It’s Show­time sina Vice at Ion, ito ang kauna-una­hang pag­kakataon na magkakatrabaho sila sa isang pelikula at first movie rin ito ni Kuya Escort.

Ano ang pakiramdam na kasama ang dyowa sa isang pelikula?

“Ini-enjoy ko na magkasama kami ni Ion sa pelikula. Siyempre, aarte pa ba ‘ko na sabihin kong hindi ako nag-enjoy? Si­yem­pre, masayang-masaya ako kasi first time kong may kasama sa trabahong dyowa ko.

“Kaya masaya, ‘di ba?” maarteng sabi ni Vice na feeling girl.

“Sana masabi n’yo rin ‘yun,” dag­dag pa niyang natatawa.

May pinariringgan ba siya sa cast?

“Hindi, wala naman. Parang sa tanda ko kasing ‘to, ang sarap lang na nasasabi ko pa ‘yung mga ganu’n, ‘di ba? May dyowa akong artista, may dyowa akong kasama sa tra­baho. Ang saya na na-experience ko ‘to. I’m so blessed.”

Ayon naman kay Ion, hindi rin niya na-imagine na mangyayari ang ganitong pag­kakataon na mapapanood niya ang sarili sa isang pelikula kasama ang taong minamahal.

“Ang sarap sa pakiramdam na kasama mong nagtatrabaho ‘yung taong mahal mo,” he said.

Bilang baguhang artista, siyempre ay humihingi rin siya ng mga payo at guidance kay Vice kung paano gagawin ang eksena.

“Binibigyan niya ako ng tips kung pa­paano ang magiging reaksiyon ko sa ga­nito, kaya ayun naman, naa-achieve ko lahat ng itinuturo niya. Nagpapasalamat din ako sa kanya,” sey ni Ion.

Dagdag ni Vice, malaking tulong na ka­sama niya ang kanyang dyowa sa trabaho.

“Kasi, ano, eh, meron akong bagong kilig na nararamdaman. Inspired akong mag­tra­baho, meron akong totoong ngiti sa mukha ko, masaya ‘yung puso mo, masa­yang mag­trabaho na masaya ‘yung puso mo. Ma­sarap magtra­bahong kinikilig ka. Ma­sarap mag­trabahong inspired ka at masarap mag­tra­bahong may minamahal ka. At sobrang positibo lahat nu’n para sa akin,” pahayag ni Vice.

Tuwing sumasapit ang festival na taun-taong ipinagdiriwang, palaging number one sa takilya ang movie niya kaya inaasahan na rin ng lahat na top-grosser na naman this year ang The Mall, The Merrier.

Nagpapasalamat si Vice Ganda sa mga natatanggap na komento at siyem­pre, tulad ng mga nakaraang taon, kine-claim na rin niya ang pagiging No. 1.

Pagdating sa award, sa tingin ba nila ay may puwedeng ipanlaban?

“Best Float po, lalaban tayo d’yan. Kasi sa sama ng loob namin last year ta­laga, ‘yung Best Float na hindi sila uman­dar pero hindi pa rin kami nanalo,” agad na sagot ni Vice Ganda kaya nagkatawanan ang press people.

Matatandaang inulan ang festival parade last year at karamihan sa mga floats ay nabalahaw sa putik at hindi nakaandar. Ang Fantastica ni Vice Ganda ang unang-unang nakaandar that time pero ang nana­long Best Float ay ang Jack Em Popoy: The Pulis­credibles ni Coco Martin.

Ayon kay Direk Barry Gon­zalez, malamang ay luma­ban si Dimples Romana sa Best Supporting Actress na hiniritan ni Vice Ganda na Best Director daw ang makukuha nila. Nata­wa si Direk Barry at aniya, “Pa­rang ‘yun nga po. Sana nga.”

But seriously, ayon kay Direk Barry, ang isa talaga sa mga ipinagmamalaki nila sa The Mall, The Merrier ay ang effects nito dahil mayroon na tayong motion capture at makikita ito sa pelikula.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page