Sa Likod Ng Pintuan C.L. Balagoza
- What's In, Ka-Bulgar
- Dec 11, 2019
- 1 min read

Nakaabang,
nakayukot ang katawan
Dinadama ang lamig ng sahig.
Hawak pa rin
itong larawang nalukot
sa paulit-ulit na pagtingin.
Tanging liwanag
mula sa poste ng ilaw
ang aking kaagapay.
Sa panibagong gabi
nitong pagtanaw
at paghihintay.
Sana’y dumating.
Sana’y makarating.
Palaging mag-aabang.
Dito lang ako,
sa likod ng pintuan.
Magandang araw, mga bes! ‘Wag nang magpahuli sa trend at i-share na ang inyong #Hugot at i-confess mo na, bes ang matagal mo nang gustong aminin sa bagong column ng BULGAR na WHAT’S IN, KA-BULGAR? Ito na ang perfect timing para ma-publish ang laman ng inyong damdamin kaya mag-send na ng personal message sa aming official Facebook page – www.facebook.com/BULGAR.OFFICIAL. Hihintayin namin ang PM n’yo, mga bes, hindi ‘yung puro kayo na lang ang naghihintay sa wala. Char!





Comments