Hitsura ng bigas na dapat ilagay sa pitaka at sa mga sulok ng bahay para palaging may pera at suwert
- Sr. Socrates Magnus II
- Dec 11, 2019
- 2 min read
Bigyang-daan natin ang email ni Esmer ng Esmeralda_Libon@facebook.com
Dear Señor, Totoo ba na ang bigas ay pampasuwerte sa buhay? May nagsabi sa akin na maglagay ako ng butil ng bigas sa may pinto ng bahay bilang pampabuwenas. Totoo ba ‘yun?
Naghihintay, Esmer
Sa iyo Esmer, Noon pa man, ang bigas ay ginagamit na pampasuwerte sa mga kasalan kung saan sinasabuyan ng bigas ang bagong kasal. Bigas din ang unang ipinapasok kapag lilipat ng bahay. Ito rin ang inireregalo sa mga kasalan, binyagan, piyesta at sa mga blessing ng bagong bahay.
Paano?
Kumuha ng mga butil ng bigas, pero dapat ay hindi malabo ang mga butil.
Dapat buo ang mga butil nito.
Walang sira o hindi putul-putol ang mga butil.
Ito ay maputing-maputi tulad ng nabanggit na walang labo.
Dapat ay walang dumi ang mga butil.
Ang labo ng bigas ay ‘yung kulay ng ulap na puti, pero walang kislap.
Kaya ang bigas na gamit na pampasuwerte ay makinis at makislap na parang alahas.
Para matukoy mo, pumunta ka sa tindahan ng bigas, ilagay mo sa palad mo ang iba’t ibang klase ng bigas at makikita mo, magkakaiba pala ang mga klase ng butil.
Kapag nakahanap ka ng makislap na mga butil ng bigas, ito ang ilagay mo sa inyong pintuan at sa lahat ng sulok ng iyong bahay. Maganda rin na lagyan mo ang iyong silid-tulugan.Ginagamit din itong personal na pampasuwerte, kumuha ka ng mga butil at ilagay mo sa isang supot ng tela at wallet mo at makaaasa ka na palagi kang magkakapera.
Ito rin ay ipinanreregalo sa mga mahal natin sa buhay na alam nating minamalas o pinagdaramutan ng kanilang kapalaran, gayundin sa mga taong malalapit sa puso natin na napabilang sa mga mahihirap at kapus-palad.
Muli, ang mga butil ng bigas na pampabuwenas ay makislap at buo ang butil, walang sira at dumi.
Good luck and God bless!




Comments