Kung si Alden, may serye… Kampo ni Maine, todo-wish na bigyan siya ng solo show ng siyete
- Julie Bonifacio
- Dec 10, 2019
- 2 min read

Mawawala na sa ere ang programang Sunday PinaSaya ng APT Entertainment sa GMA-7. Ang APT executive na si Rams David ang mismong nagkumpirma nito sa members and officers ng Philippine Movie Press Club na nag-caroling sa staff, kay Direk Andrew de Real and artists last Sunday.
Last show na nila sa December 22 at sa sumunod na Sunday ay replay na ng best episodes nila.
Sey ni Rams, October pa lang ay sinabi na sa kanila ng GMA-7 na they will just finish the contract until December.
Sa posibilidad na ilipat nila ang SP sa ibang network gaya ng TV5 na balitang magbubukas ulit, aniya, wala pang ganu’ng plano.
Magko-concentrate muna ang APT sa agreement na pinirmahan nila with Cignal Entertainment na “kamag-anak” ng TV5.
As for the hosts ng SP, ang Comedy Queen na si Ai Ai delas Alas daw ang pinakaumiyak when she found out na mawawala na ang kanilang Sunday musical variety show.
Si Marian Rivera na talent nila at isa rin sa mga hosts ng SP ay may naging show sa GMA-7, ang Tadhana. Habang si Alden Richards naman ay may serye now.
Tungkol sa isa pa nilang talent na si Maine Mendoza, tinanong namin si Rams kung posible bang magkaroon ng project ang kalahati ng AlDub together with Arjo Atayde.
“Maine-Arjo? Ah! Wala naman sa plans. We don’t know yet. Parang what we want right now ay mabigyan siya ng projects na magugustuhan ng mga fans?”
What about a solo show for Maine sa GMA?
“Uh, sana. Sana GMA will open the doors also for her since this Sunday (December 8) ang initial telecast ng Daig Kayo ng Lola Ko na three Sundays mapapanood. Sana, tangkililin ng mga manonood.”
Ano’ng reaksiyon nila sa relasyon ni Maine kay Arjo?
“It’s something personal. So, we respect her privacy. Hindi kami nag-aalala. Matalino naman si Maine. She knows her boundaries and hindi naman kami nangingialam. It’s her life at kung saan siya happy, well, we will be happy.”
Wala rin silang nakikitang masama kung nakikita sa social media na nakakasama na si Maine ng pamilya ni Arjo.
Lastly, posible ba ang AlDub movie again?
“Parang I don’t want to comment about it kasi mahirap, eh. Kawawa, naaano ang mga fans, eh, ‘pag mag-iingay lang tayo ng comment na may chance pa, puwede pa, ‘di ba? Hintayin na lang natin. Sabi nga ni Aiza (Seguerra), pagdating ng panahon,” sey ni Rams.





Comments