Hindi kailangang malungkot, lodi! Tips para maging masaya ngayong pasko kahit malayo sa pamilya
No Problem

Sa panahon ngayon, ang mga malalayo ay kayang paglapitin ng teknolohiya, partikular ang mga mobile applications na puwedeng magamit para makausap ang mga mahal natin sa buhay. kahit malayo ka sa taong mahal mo, say no more sa mag-isang pagdiriwang sa mga okasyon dahil narito ang ilang paraan para makasama n'yo ang mga taong malalapit sa inyo kahit magkakalayo kayo:
1. VIDEO CHAT. Sa pamamagitan ng mga apps tulad ng Messenger, Viber at Skype, makakausap n’yo na ang inyong mga mahal sa buhay. Hindi man kayo pisikal na magkakasama, puwede n’yong makita ang isa’t isa gamit ang mga apps na ito. Oks lang na hindi n'yo mahawakan o mayakap ang bawat isa dahil ang mahalaga, magkausap kayo sa mahalagang araw na ito.
2. SIGURADUHING HINDI KA MAG-IISA. Malayo ka man sa pamilya mo, siguraduhin mong hindi ka mag-iisa ngayong Pasko upang makaiwas sa homesick. Gayunman, makisama sa mga kaibigan o katrabaho na malapit sa iyo. Wala man sa tabi mo ang pamilya mo, at least, nakahanap ka ng kasama na maituturing mong pamilya ngayong Pasko.
3. MAGING POSITIBO. Huwag kang maging negatibo ngayong Pasko kung hindi mo makakasama ang mga mahal mo sa buhay, makakasama mo rin sila sa iba pang espesyal na araw, kaya konting tiis lang, mga besh. Sa halip, isipin mo na lahat ng pagod, pagka-miss at pagkalungkot mo ay mapapawi kapag dumating na ang panahon na makakasama mo na sila.
4. MAGSIMBA NGAYONG PASKO. Huwag nating kalilimutan na magsimba ngayong Pasko dahil sa Kanya mo unang mararamdaman ang tunay na diwa nito. Gayundin, ipagpasalamat mo ang mga biyayang natanggap, maliit man ito o malaki. Dahil dito, siguradong mararamdaman mo ang saya ng Pasko.
Kaya, mga ka-BULGAR, wala nang dahilan para maging malungkot kayo ngayong Pasko kahit malayo kayo sa mga mahal n'yo dahil ang mga paraang nabanggit ay lubos na makatutulong para sa inyo. Okie?





Comments