Dinudumog kahit saan magpunta… Dimples, ka-level na sa kasikatan si Coco

Grabe ang pag-level-up ng career ni Dimples Romana dahil sa markado niyang role sa Kadenang Ginto. Bukod sa nag-trending siya at kumalat ang mga memes niya na nakasuot ng red dress, bitbit ang kanyang maleta, napapansin na rin siya at kinukuhang endorser ng mga produkto.
Kilalang-kilala na siya ng lahat, bata, matanda at kahit saan siya magpunta ay pinagkakaguluhan at marami ang nagpapa-selfie.
Para rin siyang si Coco Martin na tumatak nang husto dahil sa Ang Probinsyano.
Naalala tuloy namin ang Kapamilya actor na si Richard Yap na nang sumikat sa seryeng pinagsamahan nila noon ni Jodi Sta. Maria ay parang minatamis na dinudumog at pinagkakaguluhan saan man magpunta.
Dumami rin ang offers na product endorsements ni Dimples. Naging tatak niya ang red dress kaya ganu’n din ang suot nang dumalo siya sa Ricky Lee’s Script Workshoppers’ Christmas party.
Marami raw siyang red dresses na ipinagawa dahil iyon ang tatak niya.





Comments