top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

‘Wag daw gumaya sa kanya… Aga, ibinulgar kung bakit ayaw pag-artistahin ang mga anak

Vinia Vivar
Dec 10, 2019
2 min read

Photo: TWBA

Aminado si Aga Muhlach na ki­nikilig siya kapag sinasabi ng mga tao na ang guwapo ng anak niyang si Andres.

“When people tell me that ‘Ang gu­wapo ni Andres,’ sino naman ang hindi kikiligin nu’n, ‘di ba? Lalo na ang payat ng anak ko, ang tangkad, 6’2", tapos ‘pag nagbibihis pa siyang ganu’n, pa­rang sabi ko, ‘Kung ganyan ang katawan ko, mas magaling akong magbihis sa ‘yo, ‘di ba?’

“Pero siyempre, tinatawanan nila ‘ko,” ani Aga sa presscon ng Metro Manila Film Festival entry niyang Miracle in Cell No. 7.

Ano ang reaksiyon ni Andres na ang daddy niya ang pinaka-cute na aktor noong bagets days nito?

“I don’t know. We never talked about all these things. Parang there is no show business talk sa bahay. Hindi naman sa sinasadya namin ‘yun. It’s just that naging ganu’n lang talaga sa bahay namin.

“So, they have their own lives, their nor­malcy,” he said.

Hindi rin nakaligtas si Aga sa tanong tungkol sa pagkaka-link ng anak niyang si Andres sa one and only daughter nina Richard Gomez and Lucy Torres na si Juliana.

Matatandaang magkasamang dumalo ng prom night sina Andres at Juliana last May at nag-viral agad ito at ang daming nagsabing bagay na bagay ang dalawang showbiz royalties.

Natawa na lang si Aga at aniya, ang anak na lang daw niya ang dapat mag-comment.

“Hindi ko na masasagot ‘yun. ‘Pag na­kausap n’yo na lang siya, tutal disi-otso na siya, siya na ang sasagot niyan. Makikita n’yo na rin siya soon, minsan, siguro.”

When asked kung binabawalan ba ni­yang mag-artista ang mga anak, ani Aga ay never naman niyang ginawa ito.

“Hindi ko sila pinagbawalan ever since. ‘Yun ang hanapbuhay ko. ‘Yun ang nag­bigay ng pagkain sa mesa namin, ng bu­bungan sa amin, lahat, ‘yung pag-aartista ko.

“Pero ang sinasabi ko lang, ‘Ta­pu­sin n’yo ‘yung eskuwela ninyo, tapusin n’yo lahat ‘yan dahil hindi ko natapos ‘yan. Ta­pusin n’yo ‘yan, madali nang pumasok sa industriya.’”

Gusto raw niya ay sariling desisyon ng mga anak kung papasok man ang mga ito sa showbiz.

“Kasi masakit ang industriya natin. Sa industriya na ‘to, huhusgahan ka nang huhusgahan parati and hindi ko kayang maano ‘yun ‘pag hinusgahan nila ang mga anak ko,” wika pa ni Aga.

Anu’t anuman daw ang desisyon ng mga anak niya ay lagi naman silang nan­diyan bilang magu­lang para alalayan ang mga ito.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page