top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

PNP, suko sa mga kriminal, hanggang ‘ingat!’ na lang sa mga Pinoy

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 9, 2019
1 min read

Kapag ganitong Kapaskuhan, hindi talaga nawawala ang mga pasaway.

Halos araw-araw ay laman ng balita ang pamamayagpag ng masasamang-loob.

Buhay na buhay ang mga sindikato, halos kaliwa’t kanan ang operasyon ng mga riding-in-tandem na holdaper at snatcher, rumaraket din ang mga miyembro ng Dugo-Dugo Gang at Salisi Gang.

Ang masaklap, hindi lang materyal na bagay ang ninanakaw kundi pati mismong buhay.

Tila taun-taon ay ganito na ang eksena sa lansangan na para bang hindi na nagawan ng paraan. Nasanay na lang tayo sa mga babala at paalala ng mga awtoridad na mag-ingat. Tipong kung ayaw maholdap, huwag magdala ng malaking halaga ng pera. Kung ayaw malaslasan, huwag magsuot ng alahas. Kung ayaw maagawan, iwasang mag-cellphone sa kalsada.

Obligasyon pa natin ngayon na hindi manakawan o mapatay? Tipong tayo na ang mag-a-adjust sa mga kriminal?

Nakakahiya naman sa kanila na hindi marunong mamuhay nang patas. Pero, ano pa nga ba ang magagawa natin kung mismong kinauukulan ay parang suko na rin?

Sana ay huwag namang umabot sa hindi na tayo lumabas ng bahay para lang hindi mapahamak.

Tulad ng palagi nating panawagan sa ating gobyerno, ipakita sana na may batas na dapat sundin. At sa ganitong panahon, mas paigtingin ang pagpapatupad nito.

Ang simpleng paglabas ng mga pulis mula sa mga presinto ay napakalaking tulong na. Hindi sapat kahit ang sangkatutak na CCTV kung wala namang nakabantay na puwersa.

Ipakita natin na sila ang dapat matakot, hindi ang publiko.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page