PHL Rugby, finalist na; Bronze sa boat race

Matagumpay na naiposte ng Pilipinas ang kinakailangang mga panalo upang makapasok sa bakbakang pang gold medal sa grupo ng kalalakihan at ng kababaihan sa 30th Southeast Asian Games Rugby 7s sa Clark Parade Grounds.
Hindi nagkamantsa ang kartada ng mga Volcanoes matapos nilang talunin ang Thailand, 24-14; Indonesia, 57-0; Laos, 43-0; Singapore, 14-12 at Malaysia, 24-0. Ang pinagsamang puwersa nina Tommy Kalaw Gilbert; Donald Canon Coleman; team captain Robert Luceno Fogerty; Justin Villazor Coveney; Timothy Alonso Berry; Joe Palabay Dawson; Luc Villalba Smith; Ryan Reyes Howe; Patrice Ortiz Olivier; Vincent Amar Young; Ned Plarizan Stephenson at Harry Dionson Morris ang sasandalan ng bansa kapag hinarap na nila ang Malaysia para sa kampeonato.
Sa kabilang dako, kahit na natalo sa Thailand, 7-38, umangkla ang Lady Volcanoes sa mga tagumpay na nairehistro laban sa Indonesia (24-5), Malaysia (31-5), Laos (27-0) at Singapore (14-7) upang makapasok sa finals ng sagupaan.
Ang bumiktima sa kanila na Thailand ang muling makasasagupa nina Ada Milby; Sylvia Tudoc; Jacqueline Tudoc; Patronicia Duffy; Erica Legaspi; Team Captain Aiumi Ono; Helena Idigne; Aldee Denuyo; Nicole Kovanen; Agot Danton; Rassiel Sales at Anna Beatrix Sales para malaman kung sino ang bibiyayaan ng gintong medalya.





Comments