top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Kabayanihan ng Pinoy, mas nakaka-proud kesa sa gold medal

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 8, 2019
1 min read

Isang Pinoy surfer ang umaani ngayon ng papuri kasabay ng 30th Southeast Asian Games na ginaganap sa bansa.

Ito ay matapos nitong huminto sa kasagsagan ng kompetisyon upang iligtas ang kalaban niyang Indonesian surfer.

Nabatid na pagkakataon na sana ni Roger Casugay na masungkit ang gintong medalya sa ginaganap na kompetisyon sa La Union, pero hindi ito nagdalawang-isip na huminto at saklolohan ang kalaban na nagkaaberya ang surfboard.

Dahil sa nasabing insidente, pansamantalang nahinto ang kompetisyon.

Ang ipinakitang ito ng ating kababayan ay masasabing higit pa sa halaga ng ginto — kabayanihan!

Kung marami ang napamangha sa pang-world-class na opening ceremony at bumibilib sa patuloy na paghakot ng mga medalya ng mga atletang Pinoy, tiyak na mas nadagdagan pa sila matapos piliin ni Casugay ang pagligtas ng buhay kesa sa gintong medalya.

Sobrang nakaka-proud!

Talagang nasa ating lahi ang kabutihang-loob at pagsasakripisyo na sumasalamin sa isang tunay na bayani.

Nawa’y matapos ang 30th SEA Games nang maayos, matagumpay at baunin ng mga dayuhang atleta at delegado ang mga ganitong pangyayari.

Maramdaman nila na sa kabila ng mga nangyaring aberya at kontrobersiya ay hindi pa rin nawawala ang mabubuting katangian nating mga Pinoy — tayo pa rin ang pinakamagiliw sa pagtanggap ng panauhin.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page