Horoscope | Disyembre 8, 2019 (Linggo)

Sa may kaarawan ngayong Disyembre 8, 2019 (Linggo): Malayo ang iyong mararating, ibig sabihin, magtatagumpay ka sa buhay at ito rin ay letra-por-letra na talagang makararating ka sa malalayong lugar.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Gamitin mo ang mayamang imahinasyon upang yumaman ka. Huwag mo itong gamitin sa paglikha ng mga negatibong kaisipan. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-8-19-20-24-38-40.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Huwag kang magdalawang-isip. Kung ano ang una mong plano, ‘yun ang gawin mo. Ang anumang pagpapalit ng pasya ay isang bukas na pintuan ng iyong kabiguan. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-1-11-12-25-34-43.
GEMINI (May 21-June 20) - Kung saan ka madadalian, ‘yun ang iyong piliin, dati mo nang ginawa ang ganitong simpleng pormula at ikaw ay nagkaroon ng maraming karagdagang kabuhayan. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-7-19-20-24-38-41.
CANCER (June 21-July 22) - Manghiram ka ng ideya sa mga alam mong nagtagumpay na. Hindi masamang kumopya, lalo na kung gagamitin mo ito upang magpasaya ng kapwa. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto; 15-16-25-28-30-33.
LEO (July 23-Aug. 22) - Huwag kang kukurap, ibig sabihin, bawal magpalit ng isip. Sa ganitong paraan, mapasasaiyo na ang iyong mga kagustuhan at may dagdag pang mga bagay na magbibigay ng kasiyahan sa iyo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-6-10-12-28-38-45.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Hawakan mo nang mahigpit ang nasa iyo na at mapasasaiyo pa lang. Sa kabuuan, ang magiging hawak mo ay sobra sa sapat para sa iyong magandang kinabukasan. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-2-14-18-20-26-31.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Huwag mong balewalain ang maliit dahil dito sa mundo, ang malalaki ay galing sa maliliit. Kapag sinunod mo ang yaman mo, matutulad ito sa isang matayog na bundok. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-1-17-27-39-40-44.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Kumuha ka ng payo sa mga kilala mong sinuwerte na. Kapag ginawa mo ito, susuwertehin ka tulad nila. At mas magandang habang ginagawa mo ito, patuloy kang kumonsulta sa kanila. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-13-19-26-27-35-43.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Hawak mo ang tagumpay at kabiguan ng ilang nasa iyong paligid kaya hindi mo kailangang mabigo. Ibigay mo ang buong makakaya mo at ito ay isabuhay mo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-6-17-21-23-30-46.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Patuloy na dumarating ang mga suwerte mo. Ang iba ay naantala lang dahil kumukuha pa ng malakas na buwelo nang sa gayun ay mapahiya ang mga walang tiwala sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-2-18-21-22-25-41.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Mula sa malayo, may pagkalaki-laking oportunidad ang darating sa iyo. Mula sa malapit, ang tulong na kailangan mo ay mapasasaiyo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-4-15-19-22-23-42.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Kung saan ka masaya, roon ka dahil mula noon hanggang kailanman, kapag masaya ka ay kusang nagpapalitan ang sari-saring suwerte sa iyong buhay. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-9-16-28-30-33-35.




Comments