top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Dalawang kampeonato sa Blue Blade gamefarm

  • MC
  • Dec 8, 2019
  • 1 min read

Walang dudang pinakamatagumpay na gamefowl breeder sa Pilipinas, si Sonny Lagon ay patuloy na pinagharian ang labanan matapos ang dalawang malalaking panalo sa ginaganap na 2019 Stag season.

Si Lagon na naging pangunahing bayani ng Thunderbird Power Feeds sa mahigit na labinlimang taon ay unang nakopo ang 2019 World Pitmasters Cup 6-Stag Big Event noong nakaraang buwan.

Noon naman nakaraang araw ng Linggo, unang araw ng Disyembre, ang may-ari ng Blue Blade Gamefarm ay muling nagdagdag ng isa pang guhit sa mahabang listahan ng kanyang mga kampeonato matapos na masolo ang prestihiyosong Battle of the Idols 6-Stag Big Event.

Sa dalawang pagwawagi, muling ibinandera ni Lagon ang kanyang maalamat na Machine Kelso linyada ng mga tinale na sa ngayon ay siya nang pinakasikat na lahi ng mga manok-panabong sa bansa.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page