top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Bundok ng kanin at konting ulam, sign na dapat magtipid para yumaman

Socrates Magnus
Dec 8, 2019
1 min read

Salaminin natin ang panaginip ni Richard ng Richard_Cunanan@face-book.com

Dear Professor, Nanaginip ako ng bundok ng kanin at konting ulam. Ano ang ibig sabihin nito?

Naghihintay, Richard

Sa iyo Richard, Ayon sa iyong panaginip, pagtitipid ang sikreto sa pagkakaroon ng masaganang buhay kaya tularan mo ang mga yumaman kung saan ang kanilang ulam ay hindi bonggang-bongga.

Tularan mo ang mga mayayaman na ang ulam ay simple lang, gayundin, tularan mo ang nagpapayaman na kapag kumain, marami ang kanin at konti lang ang ulam.

Ito ay dahil ang kumakain ng maraming ulam ay magastos kung ikukumpara sa simple ang ulam.

Maaaring magulat ka at hindi makapaniwala, pero inaanyayahan kitang bumisita sa mga tunay na mayayaman at matutuklasan mo na ang kanilang ulam ay simpleng-simple lang.

Paano kung makakita ka ng mayaman na engrade ang mga ulam? Naku, baka magulat ka sa ilang panahon sa balita tungkol sa kanila kung saan sila na mayaman noon ay mas mahirap pa sa daga ngayon.

Ang kasabihang “mahirap pa sa daga” ay para sa mayayamang nagkamali sa buhay na akala ay hindi na sila maghihirap kaya nabuhay sa sobrang karangyaan at sa huli ay wala na silang nagawa at tuluyan nang naghirap.

Hanggang sa muli, Professor Seigusmundo del Mundo

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page