top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

May 3 gold na ang PH judo; 4 bronze pa sa PHL team

Gerard Arce
Dec 7, 2019
1 min read

Photo: Abs-cbn News

San Fernando, Pampanga – Matagumpay na naidepensa ni Mariya Takahashi ang kanyang titulo sa women’s under-70kgs Middleweight habang nag-uwi pa ng apat na bronze medals ang National Judo team, kahapon sa Laus Group Event Centre. Naitakas ng teenage female judoka ang kanyang panalo matapos paliparin si Surattana Thongsri ng Thailand sa 1:55 ng kanilang round-robin upang ibigay ang ikatlong gintong medalya ng bansa sa biennial meet.

Ito ang ikalawang sunod na panalo ng Filipino-Japanese judo sensation sa SEAG matapos ang kanyang unang gintong medalya laban kay Thongsri sa 2017 Malaysian Games. Tatlong beses na niyang tinatalo ang dating 5-time SEAG medalist mula noong 2007 Nakhon Ratchasima SEAG hanggang 2015 Singapore meet. “Medyo nabigla ako nu’ng umpisa kasi unang beses ko pa lang siya nakalaro. Iyong taga-Thailand kase tatlong beses na kami nagtatapat kaya alam ko na iyong laro niya,” pahayag ni Takahashi mula sa isang interpreter.

Kahit pa man natalo sa unang laro si Takahashi laban kay Gusti Kakihara ng Indonesia sa pamamagitan ng waza-ari point, natalo ang huli kay Thongsri sa sumunod nitong laban sa pamamagitan ng waza-ari point. Nakakuha ng bronze medals sa kani-kanilang laban ang iba pang Filipino bets na sina John Viron Ferrer sa under-100kgs matapos talunin si Nguyen Hoang Duong ng Vietnam via waza-ari, men’s Over-100kgs Heavyweight category Filipino-Japanese Shin Matsumura nang daganan si Hian Che ng Singapore, women’s over-78kgs category Salinas Ryoko ng nagwagi ito ng bronze medal laban kay Mohamad Tahir Norizzatul ng Malaysia at men’s under-90kgs Carl Dave Aseneta.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page