Mag-BFF, nagkaiyakan daw… Miles, super-hapi na bati na sila ni Kathryn
- Melba Llanera
- Dec 7, 2019
- 1 min read

Sa premiere night ng Write About Love, ‘di maitago ni Miles Ocampo ang saya sa renewed friendship nila ni Kathryn Bernardo.
Aminado si Miles na nagkaroon sila ng tampuhan ni Kath at naayos ito nang magkaroon ng reunion ang mga taga-Goin’ Bulilit. Ayaw mang idetalye ni Miles kung ano ang naging senaryo ng pagbabati nila ni Kathryn, puno naman daw ito ng iyakan at saya.
Ngayon ay bukas na muli ang komunikasyon sa pagitan nila ng kaibigan at dapat ay dadalo si Kathryn sa premiere night ng Write About Love pero ‘di nakarating.
Meanwhile, wala raw ideya si Miles tungkol sa bullying issue na nabanggit ni Alexa Ilacad kamakailan. Sinabi pa ni Alexa na sila ni Jairus Aquino ang naging biktima ng pambu-bully ng mga dati nilang kasamahan sa Goin’ Bulilit sa pangunguna ng ex-BF niyang si Nash Aguas at ni Sharlene San Pedro.
Hiling ng Write About Love lead actress ay magkaayos na ang mga dating kasamahan sa Goin’ Bulilit at matuldukan na kung anuman ang naging problema ng mga ito.
Masaya at sobrang excited si Miles sa pinakaunang pagbibidahan niyang pelikulang Write About Love na kasama sa 2019 Metro Manila Film Festival entries kung saan makakasama niya sina Yeng Constantino, Joem Bascon at Rocco Nacino.





Comments