Mag-BF, todo-enjoy sa isa't isa… Jak, solb na solb kay Barbie sa Japan
- Erlinda Rapadas
- Dec 7, 2019
- 1 min read

Photo: @jakroberto
Masayang-masaya ang 26th birthday celebration ni Jak Roberto na nasa Japan ngayon kasama ang GF niyang si Barbie Forteza.
Kahit na walang birthday party, happy na si Jak na kasama ang kanyang lady love.
Makakapag-bonding sila nang husto at maiikot ang magagandang tourist spots sa Japan.
Wala na ngang mahihiling pa si Jak na birthday gift dahil si Barbie lang ay sobra-sobra na.





Comments