top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Hallasgo gold sa marathon; Obstacle course team, gold

Gerard Arce / A. Servinio / VA
Dec 7, 2019
3 min read

Photo: 2019 Sea Games

Ang mas batang 27-anyos na Pinay runner na si Christine Hallasgo ang itinanghal na bagong kampeon ng 30th Southeast Asian Games 42.195-km Marathon event matapos remehistro ito ng 2:56.56 na halos dalawang minuto ang agwat kay Mary Joy Tabal upang alisan ng korona si 2017 Kuala Lumpur Games champion Tabal na sumegunda naman sa bagong gold medal winner sa Clark Stadium, Capas, Tarlac.

Humarurot si Hallasgo sa huling 12 km. matapos makipagsabayan kay Tabal, Pham, Linda Janthacit ng Thailand at Odekta Elvina Naibaho ng Indonesia na biglang hindi tinapos ang karera. Ang oras ni Hallasgo ay mas mabilis kumpara sa 3:06:28 na kanyang natala sa pagkampeon niya sa MILO Marathon Metro Manila noong Hulyo.

Kinapos ang 30-anyos na tubong Cebu City na si Tabal na hindi naidepensa ang kanyang ginto noong Kuala Lumpur 2017 SEAG na tumapos lang ng 2:58.49 para sa kanyang ikalawang silver medal sa biennial meet na nakamit niya noong 2015 Singapore meet. Nahimatay pa ito bago nakarating ng finisih line.Sinundan si Tabal ng Vietnamese marathoner na si Hong Le Pham Thi sa oras na 3:02.52 sa 42-km event. “Ibinigay ko lahat ng best ko para maka-ambag sa Pilipinas lalo na kami iyong unang mga lalaban para sa athletics,” pahayag ni Hallasgo. “Lahat po ng hirap sa training talagang worth it po lahat,” dagdag ni Hallasgo.

Hindi pinalad ang mga mananakbo ng bansa sa men’s category matapos makuha lamang nina Jerald Zabala at Anthony Nerza ang 5th at 6th place finish sa 2:37:20.00 at 2:39:28, ayon sa pagkakasunod.Napunta ang gintong medalya kay Agus Prayogo ng Indonesia sa oras na 2:26:48, habang napunta ang silver kay Sanchai Namkhet ng Thailand sa 2:27:18 at bronze kay Muhaizar Mohamad ng Malaysia na nagtapos sa 2:33:08.00.Inaasahan na ang tagumpay ni Hallasgo ang magpapagana sa buong koponan ng Athletics sa pagsimula ng bulto ng mga event ngayong araw ng Sabado sa pangunguna ni EJ Obiena sa Men’s Pole Vault.

Pitong iba pang ginto ang nakataya sa 200 meters, 1,000 meters, Hammer Throw at Long Jump ng kalalakihan, 200 meters at Triple Jump ng kababaihan at 4 X 400 meters Mixed Relay.Samantala, nagawa nang walisin nina Mervin Guarte at Sandi Menchi Abahan ang mga gintong medalya para sa Philippine Obstacle course racing team sa 30th SEAG kahapon sa Filinvest City sa Alabang, Muntinlupa.

Nakuha ng bansa ang 1-2 finish mula kina Guarte at Sherwin Managil Mohammad para sa gold at silver medals sa men’s individual 5K + 20 Obstacle course finals sa oras na 25.31.00 at 26.16.00, ayon sa pagkakasunod.

Ipinakita ni Guarte, na may mga medalya sa nakaraang SEA Games sa Athletics, na tama ang desisyon niya na lumipat ng disiplina habang bronze medal ang naiuwi ni Sadaam Mohd Pittli Mohd ng Malaysia sa oras na 28.02.00. Kinumpleto ng National Obstacle team ang paghakot sa 6-gold medals mula sa isa pang 1-2 finish nina Abahan, na isang beterana ng mga fun run at trail run, at Glorien Merisco sa women’s individual 5K + 20 Obstacle course championship sa pamamagitan ng 33:30.00 at 40:00.00 gold-silver medals victory, ayon sa pagkakasunod, samantalang kinuha ni Khamla Sorvimane ng Lao PDR ang bronze sa oras na 55:27.00.

Nauna ng ibinulsa ng Obstacle course team ang 4 na gold medal noong Miyerkules mula kina Kyle Redentor Antolin, Kaizen Dela Serna, Monolito Divina at Deanne Nicole Moncada para kunin ang Mixed Team Assist 400m x 12 Obstacle sa oras na 3:48.35 habang kumana pa ng isang gold medal sa Mixed Team Relay 400m x 12 Obstacle sina Diana Buhler, Jeffrey Reginio, Klymille Keilah Rodriguez at Nathaniel Sanchez sa oras na 1:59.56. Nagpatuloy ang dominasyon ng National Team ng tumapos ng 1-2 finish sina Rochelle Suarez at Milky Mae Tejares sa women’s individual 100m x10 obstacle course sa oras na 46.70 at 47.88, ayon sa pagkakasunod, para sa gold at silver medal sa Pilipinas. Kinumpleto ni Kevin Jeffrey Pascua ang sweep ng mga medalya nang ibulsa nito ang men’s individual 100m x10 Obstacle course sa oras na 29.92 para sa gold laban sa 34.01, habang kinuha rin ng bronze medal si Mark Julius Rodelas sa 32.94

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page