Golfer Pagdanganan, gold sa Women's Individual Stroke

Photo: 2019 Sea Games
Ipinakita ni Bianca Pagdanganan ng Pilipinas ang kanyang kalidad upang mag-reyna sa Women’s Individual Stroke Play ng Golf sa 30th Southeast Asian Games sa Luisita Golf and Country Club. Tinapos ni Pagdanganan ang tatlong round na may 209 stroke o seven under par.
Lumamang si Pagdanganan ng tatlong stroke kay Bunnabodee Kan Pimnipa Panthong ng Thailand na may 212 o four under par. Ang 71 ni Pagdanganan sa huling round ang kanyang pinakamahina sa buong torneo subalit sapat na ang kanyang mainit na laro sa unang dalawang round kung saan nagtala siya ng 68 at 70 at lamang siya sa buong tatlong araw.
Ang tanso ay kay Pimnipa Panthong ng Thailand sa three under par 213. Ang iba pang mga Pinay na sina LK Go ay nagtala ng one under par 215 para sa ika-apat na puwesto at ika-10 si Avegail Arevalo sa seven over par 223.
Ang mahusay na ipinakita ng Women’s Team ay pambawi sa hindi magandang nilaro ng Men’s Team. Si Carl Jano Corpus ang pinakamataas na Pinoy na may 211 para sa ika-walong puwesto at sinundan siya nina Sean Jean Ramos (214, 10th) at Aidric Jose Chan (215, 11th).





Comments