top of page

'Di lang daw siya… Hirit ni Sherilyn: Maraming may problema sa pag-iisip sa mga artista

  • Julie Bonifacio
  • Dec 7, 2019
  • 2 min read

Nakaharap at nakausap na ni Hashtag Ryle Santiago ang kanyang ama at executive ng It’s Showtime ng ABS-CBN na si Reily Pablo Santiago, Jr..

Ang ina ni Ryle na dating Kapamilya star na si Sherilyn Reyes ang nagsabi nito sa amin nu’ng matanong siya sa grand presscon ng pelikulang Amir: A Victim or a Victor directed by Metong Espinosa.

Kuwento ni Sherilyn, hindi malinaw sa kanya pero muk­hang may go signal na ni Reily kung gusto mang magpalit ng apelyido ni Ryle. Pero sa kanila ng mister niyang si Chris Tan, hindi naman importante kung ano ang dalhing apelyido ni Ryle.

Kung nagkausap na nang maigi ang mag-ama, tinanong namin si Sherilyn kung kailan naman sila mag-uusap ni Reily.

“Kapag nagkikita naman kami, very civil kami. Saka ni hindi namin siya napag-uusapan sa bahay. May sari-sarili na kasing ano, eh, it’s been 18 years. So, wala na talagang ano. Kapag nagkikita, ‘Oh, hi!’ ‘Hello.’ Pero ‘yung tipong mapapag-usapan pa sa bahay or ano, magiging isyu pa, wala talaga.”

Nagkaroon ng special screening ang Amir: A Victim or A Victor na pinagbibidahan ni Tonton Gutierrez last December 5.

Hindi namin sure kung nakapag-promote ba si Sherilyn ng movie nila sa It’s Showtime. Pero nu’ng kausap namin siya, gustung-gusto ni Sherilyn na makapag-promote ng Amir sa Kapamilya noontime show.

Ang Amir ang kauna-unahang pelikulang ginawa ni Sherilyn since 2001. Ang last movie na ginawa niya ay ang Four Fathers kung saan isa sa mga bida si Bobby Andrews.

“Mga 26 years old pa yata ako noon kaya medyo nakakapanibago. Nandu’n ‘yung nerbiyos, siyempre, kasi, baka hindi ko magawa, ‘yung ganu’n. Pero nag-pray talaga ako.”

Happy naman daw ang direktor at producer ng Amir sa performance niya sa movie.

Ayon kay Sherilyn, tungkol sa mental health ang kuwento ng Amir.

“Tinanong nga ako tungkol d’yan like… parang ‘If you encounter someone like Amir (may mental disorder), ano’ng gagawin mo?’ Siguro kasi, hindi tayo aware kung ano ba talaga ‘to. Kasi, kapag sinabing mental illness, siraulo agad, ‘di ba? I think lahat naman tayo, may mental disorder at some point, lalo na ang mga artista. Like ako, I will not deny the fact na nag-a-anxiety attack ako kapag nai-stress about something. ‘Pag sa negosyo, ganyan.”

Dagdag pa niya, “So, it’s a mental disorder. Ang maganda ngayon, napapag-usapan.

So, we know how to deal with the person. Hindi mo iiwasan ‘yung person but maiintindihan mo at alam mo kung paano pakikisamahan ‘yung tao, ‘di ba?”

For sure, natuwa si Ryle na nagbalik-pelikula na siya and can regain her own identity. For the past years kasi, nang magsimulang mag-artista si Ryle at makilala bilang Hashtag, she’s referred to as Ryle’s mom.

Ang Amir ay mula sa Ruler Concepts Productions na nagkaroon ng one time special screening noong December 5, 2019 sa Central Square Cinema, BGC sa Taguig.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page