top of page
TEKA NGA - MARIEL, KUMALAT NA TATAKBONG SENADOR, NILAIT NG NETIZENS_IG _marieltpadilla.jpe

Raket sa Correctional, pera-pera talaga!

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 6, 2019
2 min read

Kontrabando na naman! Ilang maliliit na cellphones ang nadiskubre sa Correctional Institution for Women (CIW).

Ito ay matapos mapilitang isuko ng ilang preso ang naturang gadgets sa OIC ng CIW. Siguro ay natakot silang mahulihan at makansela ang lahat ng kanilang prebilehiyo.

Kaugnay nito, iniimbestigahan na ang 158 jail officers ng Bureau of Corrections (BuCor) na sinasabing kabilang sa kanila ang nagbenta ng mga isinukong cellphone.

Napag-alaman na P5,000 ang presyo ng telepono habang P200 naman ang bayad kada araw para magamit ito. Ilang libo na kaya ang kinita ng opisyal o mga opisyal na ito? Ang tindi!

Samantala, bukod sa mga cellphone, isinurender din ang iba pang kontrabando tulad ng mga kutsilyo at iba pang armas.

Bukod sa mga ilegal na bagay, naroon pa rin ang mga ilegal na naninirahan sa compound na dapat ay para lamang sa mga empleyado at opisyal ng Bureau. Nagsulputan ang mga tagalabas na nangungupahan at ang matindi, pinagkakakitaan pa sa parking.

Malinaw sa batas na ‘pag retired o patay na ang empleyado o opisyal, bawal na ang kani-kanilang pamilya sa loob. Ang tanong, bakit hindi ito naipatutupad? Kanino sila nagpapadulas? Hihintayin pa bang magkaroon ng banta sa kaligtasan ng lahat bago ito aksiyunan?

Ang Correctional ay kulungan at pag-aari ng gobyerno at hindi simpleng komunidad.

Sa lugar na ito at sa lahat ng bilangguan, inaasahang ipinapataw ang parusa sa mga nagkasala sa batas at hindi para ipagpatuloy ang masamang gawain.

Kung magiging pabaya ang kinauukulan sa mga isyung ito sa selda, ano pa ang ipinagkaiba nang sila ay nakalalaya o baka naman sa loob ay nagiging mas malaya pa sila?

Nagtatanong lang po.

Hamon ito sa bagong pamunuan ng Bureau of Corrections (BuCor), sana ay matukoy na ang mga kasabwat ng mga bilanggo at mapatawan ang mga ito ng karampatang parusa.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page