top of page
TEKA NGA - MARIEL, KUMALAT NA TATAKBONG SENADOR, NILAIT NG NETIZENS_IG _marieltpadilla.jpe

Pinaghahandaan na raw, Karla… Daniel, umaming beach wedding ang sa kanila ni Kathryn

Vinia Vivar
Dec 6, 2019
2 min read

Natanong ni Boy Abunda si Daniel Padilla kung bakit hindi pa niya pakasalan ang GF niyang si Kathryn Bernardo nang mag-guest ang magaling na aktor sa Tonight with Boy Abunda. Natatawang sagot ni Daniel, “Huwag muna, Tito Boy. Wala pa tayong masyadong datung, kulang pa ang datung ko.”

Pero siyempre, being together for 7 years na rin, hindi naman itinatanggi ni Daniel na napag-uusapan na nila ang bagay na ito.

“Yeah, pero ‘yun ang pinaghahandaan na rin namin ngayon. ‘Yun ang pinag­ta­trabahuhan din namin. Kasi siyempre, gusto ko, ‘pag dumating ang panahon na ‘yun, ayoko nang pukpukan pa rin, kasi siyempre, after marriage, you have to have a family at ayokong maging late pagdating sa family,” ani Daniel.

Ipinagtapat din ng aktor na before 30 years old daw ang dream niya to settle down and have a family. He’s 24 right now.

Napag-usapan din nila ang tungkol sa pagkakaroon ng mga anak at sey ni Daniel, “The more, the merrier.” Pero kung 2 or 3 kids ay masaya na rin siya.

When it comes to dream wedding, ang gusto raw nila ni Kathryn ay sa dagat.

Naitanong din kay DJ (palayaw ni Da­niel) ang tungkol sa magiging set-up ng future family nila lalo pa nga’t tumu­tulong din siya sa ina’t mga kapatid niya.

“Pinag-uusa­pan na namin ‘yun, you have to save up. Kaya ‘yun ang pi­nag-uusa­pan namin ng ma­ma ko. Yeah, you have to (save up) kasi si­yem­pre, ngayon, oo, may bahay tayo, pero darating kasi ‘yung punto na mag-iisip ako na gusto ko nang mag-asawa, bumukod, ibang usapan na naman ‘yun.

“So you have to save now, kasi once na dumating na ‘yung time na ‘Okay, ready na ako, ready na ‘yung partner ko,’ at least, mayroon kang mailalabas na,” he said.

At ‘pag dumating ang time na ‘yun, gusto niyang steady na ang kanyang pamilya. Hindi rin niya gustong magtra­baho habambuhay ang kanyang ina.

“Once na bumukod ka, siyempre, gusto mo, eh, steady din sila. Hindi naman puwedeng… at saka si Mama, I mean, ‘yan, nagtatrabaho siya ngayon, pero hindi ko naman gustong… (habambuhay ay nagtatrabaho),” sey ni Daniel.

Gusto niyang mag-enjoy din naman ang kanyang ina.

“Yeah, yeah, ‘yun ‘yung gusto mo – i-provide na sa kanila ‘yun. Provide-provide, pero siyempre, mayroon ka ring… mayroong manipis na ano na ‘kailangan din nilang matuto’ siyempre,” he said.

Sa ganitong pananaw ni Daniel, ngayon pa lang ay kitang-kita nang magiging mabuti siyang asawa’t ama ng kanyang mga anak.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page