top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Pagkain ng matamis, nakakapagpasuwerte

  • Sr. Socrates Magnus II
  • Dec 6, 2019
  • 2 min read

Bigyang-daan natin ang dagdag na kaalaman upang buwenasin ngayong Kapaskuhan.

Masaya ang Kapaskuhan at ang Pasko ay araw ng pagsasaya at ito ay nasa kantang “Joy to the World”. Kaya kung sasakyan ang agos ng takbo ng buhay, dapat ay with joy dahil kapag with joy ang ating puso at isipan, siguradong tayo ay bubuwenasin.

Sinasabing ang kalungkutan ay tulad din ng sakit na nakahahawa kaya kapag malungkot tayo, malulungkot din ang kapalaran natin.

Ang kaligayahan ay ganundin, nakahahawa ito kaya kapag tayo ay maligaya, ang ating kapalaran ay mahahawa at ito ay gaganda.

Paano?

1. Magsuot ng bagong damit, ngayon na at hindi sa Pasko. Kapag bago ang suot natin, siguradong tayo ay sisigla at ang mga pangyayari sa ating buhay ay sisigla rin. Mapapansin din natin na kapag kupas at luma na ang damit natin, kulang tayo sa sigla at saya, gayundin, hindi gaanong maganda ang mga kilos natin.

Ang suwerte ay kasingkahulugan ng magandang kapalaran. Pansinin mo, ang first name ng suwerte ay “maganda” at ang surname ay “kapalaran” kaya kapag maganda ang kilos natin, gaganda rin ang ating kapalaran. At dahil dito, ang magandang damit ay nagpapahiwatig ng magandang kapalaran.

2. Kumain ng matatamis. Sabi nila, bawal ito sa may sakit at masama sa kalusugan ang matatamis. Ito ay maling pananaw dahil kailangan ng tao ang sugar. Ang ipinagbabawal ay ang sobrang pagkain nito at hindi mismo ang sugar.

Nasaan ang bawal sa nasabing kautusan? Kapag kumain ng matamis, hindi naman sinasabing kumain ng maraming matamis, pero para maiwasan ang walang katapusang debate, ang pagkain ng matamis ay puwedeng maging “tumikim ng matamis”.

Sumisigla rin ang tao kapag sumayad sa dila niya ang sugar at ang totoo nga, kapag malungkot ang tao at tumikim ng matamis, bigla siyang makadarama ng saya.

Ang isa pang totoo, ang taong ayaw ngumiti kapag nakatikim ng matamis sa ayaw o gusto niya, ang kanyang mga labi ay mapapangiti. Sa pagsayad ng sugar sa taste buds, ang bibig ay maglalabas ng saliva, as in, mababasa ang kanyang bibig.

Ang basang bibig ay maaaring magpalakas ng libido at kapag itinuon sa produktibong proyekto ang libido ay yayaman ang tao.

Muli, hindi masama ang matamis dahil ang masama ay ang sobrang sugar. Subukan mo at ikaw mismo ang aamin na mag-iiba ang pakiramdam mo at ang iisipin mo ay kung paano magkakapera ngayong Pasko.

Dahil sa matatamis, ang iyong buhay ay magiging matamis din. Ang mga suwerte ay matatamis na bunga ng iyong pagsisikap.

(Itutuloy)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page