Mga aso sa daraanan, sign na dapat maging matapang at matatag sa buhay
- Socrates Magnus
- Dec 6, 2019
- 2 min read
Salaminin natin ang panaginip ni Christina ng Christina_Felix@ facebook.com
Dear Professor, Nakakita ako ng lalaki na pababa sa daanan ng isang bahay kaya pagtawid ko ng kalsada ay pumasok ako sa gate. Wala pang aso nu’n, tapos nu’ng pagpasok ko at nang naglalakad na ako ay nagkaroon ng aso sa black na gate. Dahan-dahan akong naglakad, tapos may biglang kumagat sa bag ko at nang tingnan ko ay aso pala. Tapos, may nakita akong dalawang aso na nakaharap sa daraanan ko. Nag-aalala ako kung paano ako makakalagpas, pero sa awa ng Diyos, bigla silang nawala at nakadaan ako palabas ng bahay, doon din sa daanan pababa na dinaanan ng lalaki.
Naghihintay, Christina
Sa iyo Christina, Ang lalaki sa panaginip mo ay ikaw din. Maaaring magtaka ka dahil babae ka, pero upang malinawan ka, ayon sa mga sikolohista, ang tao ay may tinatawag na anima at animus.
Sa mga babae, sila ay may animus, ito ay bahagi ng kanilang personalidad na ang katangian ay para sa kalalakihan o there is a masculine personality in every girl.
Dahil ito ay masculine, siya ay matapang, malakas ang loob at hindi takot sa mga hamon ng kanyang kapalaran.
Sa iyong panaginip, ang lalaki ay nakababa sa bahay nang walang problema kaya ang payo ng iyong panaginip, ngayon ang oras para ilabas mo ang iyong tapang, huwag kang matakot sa mga hamon ng iyong kapalaran.
Dahil gusto kong ibalita sa iyo na kaya hinahamon ng kapalaran ang tao ay dahil tinitingnan kung siya ay matapang at kapag nagpakita siya ng tapang, maaaring hindi mo paniwalaan na ang mga hamon ay bigla na ring nawawala.
Kapag naman siya ay duwag o mahina, hindi ba, ang mga hamon ng kapalaran ay para maging matapang, matatag at matibay ang isang tao?
Kumbaga, kapag matapang, matatag at matibay na, hindi na niya kailangan pa ng magpapatatag, magpapatibay at magpapatapang sa kanya.
Muli, sabi ng iyong panaginip, ilabas mo na ngayon ang iyong tapang at lakas ng loob na inilalarawan ng animus ng bawat girl.
Isa pang muli, ngayon na at hindi sa ibang panahon.
Hanggang sa muli, Professor Seigusmundo del Mundo




Comments