Ibinulgar ni P-Duterte na hiwalay na, fake news… Sharon at Kiko, magkasama sa huling lamay ng nanay
- Erlinda Rapadas
- Dec 6, 2019
- 1 min read

Photo: @kiko.pangilinan
Noong last night ng burol ng Nanay Lesing ni King of Talk Boy Abunda, magkasamang dumating sina Sharon Cuneta at dating Sen. Francis “Kiko” Pangilinan. So, hindi totoong hiwalay na sila, salungat sa sinabi ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte.
Maraming celebrities ang humabol at nakiramay noong huling gabi ng burol ni Nanay Lesing sa Arlington Chapel tulad ng mag-asawang Jessa Zaragoza at Dingdong Avanzado.
Last minute, dumating din sina Daisy Romualdez, Presidential Spokesperson Salvador Panelo, Governor Chavit Singson at Dulce.
Pasado ala-una ng madaling-araw nang inayos ang mga gamit sa Arlington at ang urn ng Nanay Lesing ni Kuya Boy Abunda.
Ibibiyahe na ito sa Borongan, Samar upang masilip ng kanilang mga kababayan. Ibabalik ang urn sa Linggo at napagdesisyunan ng pamilya na sa bahay muna ni Kuya Boy ito manatili bago ilagak sa columbarium.
Sa kabila ng kanyang pagdadalamhati sa pagkawala ng ina, para kay Boy Abunda, the show must go on. Nagawa pa rin niyang makapagteyping ng programa niyang The Bottomline.





Comments