top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Nasipang wig ng imahen, sign na dapat maglinis ng altar ng iba

  • Socrates Magnus
  • Dec 5, 2019
  • 1 min read

Salaminin natin ang panaginip ni Aileen ng Aileen_Lingon@face-book.com

Dear Professor, Naguguluhan ako sa panaginip ko tungkol sa rebulto ng Milagrosa, kulay blue at white ang suot. Tapos nakita ko na may ulo, pero walang mukha at buhok. Paglakad ko papunta sa talipapa, nasipa ko ‘yung wig nu’ng imahen, tapos naghanap ako ng tao na magkakabit, tapos nagising na ako.

Naghihintay, Aileen

Sa iyo Aileen, Ayon sa iyong panaginip, hindi naman sa iyo o hindi mo pag-aari ang rebulto dahil nakita mo lang sa paglalakad mo kaya nasipa mo pa ang wig ng imahen.

Ang ibig sabihin nito ay magiging gabay ka para sa mga taong napapabayaan na ang kanilang altar. Maalikabok, marumi at taon na yata ang lumipas, pero hindi pa nililinis.

Sira ang damit o may punit, may libag na at naiba na ang kutis at ang buhok ay wala na sa ayos, ito ang pangkaraniwang mapupuna mo sa altar at mga rebulto ng mga kakilala mo.

Ayon sa iyong panaginip, gagamitin ka ng nasa itaas para manumbalik ang kagandahan ng kanyang altar.

Sumunod ka dahil ito ay isa sa mga misyon mo ngayon.

Ang sumusunod sa kagustuhan ng langit ay pinagpapala.

Huwag kang mag-alinlangan sa iyong sarili dahil kaya mong gampanan ang nasabing papel mo sa ibabaw ng lupa. Mas maganda na may tiwala ka sa iyong sarili, lalo na sa langit na hindi nagdududa sa kung ano ang utos sa kanya.

Muli, payuhan mo ang mga kakilala mo na linisin at ibalik ang ganda ng kanilang mga altar para manahan sa kanilang tahanan si Lord.

Hanggang sa muli, Professor Seigusmundo del Mundo

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page