Legendary Judo fighter, Baylon, hindi pa magreretiro

Hindi pa tuluyang magreretiro sa mundo ng pampalakasan ang 9th time Southeast Asian Games gold medal champion at tinaguriang ‘Legendary ng Philippine Judo’ na si John Baylon – ngunit, hindi na ito sa kanyang pinagtagumpayan na larangan.
Inamin mismo ng 55-anyos na 2-time Olympian noong 1988 Seoul at 1992 Barcelona, na patuloy pa itong sasabak sa sports na Jijitsu na kanyang pinagtutuunan ng pansin ngayon at ginagampanan ang pagiging coach.
Aminado rin itong hindi na niya kaya pang makipagsabayan sa standing techniques sa sports na Judo at Kurash, kung saan hindi siya nagtagumpay sa under 81kgs category.
“Magko-concentrate na lamang ako sa grappling (Jijitsu). Iba na rin kase iyong istilo at concentration ko dahil nakikita kong wala na doon iyong kalamangan ko,” pahayag ni Baylon.
“Retired na ako sa throwing 2012 pa, kaso nabigyan lang ako ng chance na makapaglaro kase host tayo, pero kung hindi tayo host country hindi ako lalaro,” dagdag nito. Muling nabigo ang Brazilian-Jijitsu specialist na makuha ang ika-10th SEA Games gold medal o makakuha man lang ng medalya sa Kurash event, na nag-debut ngayong 30th edisyon sa Laus Group Event Centre sa San Fernando, Pampanga.
“Subukan kong magselection o mag-qualify sa national team ng Jijitsu. Gagawin ko iyong best ko kase iyon naman ang pinagkaka-abalahan ko ngayon eh,” wika nito.
Gayunman, itinapat ni Baylon na walang halong panghihinayang ang naramdaman nito sa hindi niya pagkakakuha ng anumang medalya o pagsisi na dapat noon pa niya sinubukang muling makuha ang inaasam na medalya. “100% satisfied ako sa buong judo career ko, wala akong pagsisisi,” sambit ni Baylon. “Kahit paano nag-bronze ako pagkatapos ng career ko noong 2012.”
Dapat kapag ginawa mo iyong isang bagay, ibigay mo lahat para wala kang pagsisihan. Natalo man ako, siyempre naramdaman mo rin iyong feeling ng manalo at matalo, alam ko lahat ng feeling, ika nito.





Comments