top of page

Inireklamo kay Tulfo… Ikinalat ng dyulalay: Among artista, maldita na, 'di pa nagpapasuweldo nan

  • Vinia Vivar
  • Dec 5, 2019
  • 3 min read

Inireklamo kay Raffy Tulfo ang sikat na young actress ng kan­yang personal assistant (PA) na ba­gama’t hindi binanggit ang pangalan ay nahulaan ng mga netizens kung sino.

Ang sinabi ng PA na Manika ay Tagalog daw ng pangalan ng young actress at iyon din daw ang tawag niya rito.

Ayon sa kuwento ng PA na si Anna­laine Revilla, hindi lang trabaho ng personal assistant ang ginagawa niya kundi parang kasambahay na raw na nililinis niya ang buong bahay, nagliligpit ng pinag­kainan, naglalaba ng mga damit ng pa­milya, pati na raw malalaking kumot at bed sheet. At lahat ng ito ay sa halagang P7,000.00 a month na suweldo.

Ang usapan lang daw nila ng young actress nang pumasok siya rito ay kikilus-kilos siya sa bahay na ginagawa naman niya.

“Ang nangyari naman po kasi, ha­bang tumatagal, palala nang palala, kasi pa­rang nararamdaman ko, ‘PA ba ang pi­na­sok ko rito?’” pahayag ni Annalaine.

Dagdag pa niya, “Kasi po, kasama ko sa bahay nila ‘yung mama niya, ‘yung kuya niya, and then, ‘yung kinakasama ng kuya niya.

“So, simula po nang dumating ako ru’n, halos hindi na po sila ku­mikilos. So, ang dating, parang naging kasam­bahay nila ako to the point na halim­bawa po, every morning, halos hin­di pa ako nagka­kape or what, nagli­li­nis na ako ng mga du­mi ng aso, dala­wang aso. Tapos min­san, pi­na­pa­liguan pa sila.

“And then, mag­wa­walis ka, magla­lam­paso, maghu­hu­gas ng tambak na hu­gasin, maglilinis ng banyo.”

Tinawag ni Anna­laine na “maldita” ang young actress habang ang ka­patid na lalaki naman nito ay “batu­gan” daw.

Para maging fair at maayos ang prob­lema ay tinawagan mismo ni Raffy ang young actress. Boses pa lang niya ay med­yo makikilala mo na, lalo pa nga’t clue na ‘yung “Manika” na tawag sa kanya.

Sa pag-uusap ni Annalaine at ng young actress, pinanindigan ng una ang lahat ng kanyang sinabi. Harapan niyang sinabi kay Manika na maldita ito.

“Kung makapagsalita ka sa mga tauhan mo, actually, hindi lang nagsa­salita ‘yung driver, eh. Kasi may pamilya ‘yung tao,” sey ng PA kay Manika.

Sagot naman ni Manika, “Nangyari na lahat, naere na lahat, wala na ‘kong ma­gagawa do’n.”

Sa akusasyon ng PA na pinagsilbihan niya ang buong pamilya nito gayu’ng dapat ay ang young actress lang, ang sagot ni Ma­nika kay Tulfo ay “Hindi naman po, sir.”

Tinanong ni Tulfo kung bakit hindi kumikilos sa bahay ang kapatid niya, sagot ulit ni Manika, “Sir, kumikilos naman po. Sir, laki po kami sa hirap, sir. Wala po kaming mga katulong, marunong po kami sa bahay lahat. Kahit ako, naglalaba rin ako minsan.”

Kinontra ito ng PA at aniya, “Wow na­man, Manika, alam mo ‘yan sa sarili mo. Kasi alam kong ipagtatanggol mo ang sarili mo, eh. Alam mong hindi totoo ‘yan.”

Ang sagot naman ni Manika, “Ayen, ‘di ba, ang gusto mo, magkaayos tayo? Kung ano ‘yung sasabihin ko, puwede mo sa aking sabihin na… ‘wag mo ko i-sarcastic na ‘Wow, wow,’ kasi hindi tayo magkakaayos kung ganyan.”

Singit naman ni Annalaine, “Maldita talaga.”

Patuloy ni Manika, “Sinabi mo kay Sir Raffy ang side mo, pasalitain mo rin ako ng side ko. Wala naman akong idini-deny, eh.”

Ang isa sa mga hiling ni Annalaine ay mag-public apology sa kanya si Ma­nika sa mismong show, pero hindi gi­nawa ng young actress dahil ang gusto raw niya, kapag sila na lang dalawa. Kinontra naman ni Raffy at aniya, ang public apology ay sign ng sincerity and humility.

Pumayag naman si Manika na baya­ran ang lahat ng dapat niyang bayaran sa PA since ayon nga kay Raffy ay kulang ang P7,000 pesos sa lahat ng mga pagsisilbi nito.

Sa bandang huli, sinabi ng PA na sana raw ay maging lesson ito sa young actress at huwag nang maulit sa iba ang ginawa sa kanya.

“Sana, maging eye-opener din ito sa mga kagaya niyang maldita,” sabi ng PA.

“Hindi ako maldita,” kontra ni Manika.

Tinanong ni Raffy ang young actress kung hindi ba siya makikilala ng mga tao sa tawag nilang Manika at sagot ng young actress, “Sir, oo kaya.”

Sey naman ni Raffy, “Ang layo naman ng Manika sa tunay mong pangalan,” at sagot ng young actress, “Ang Tagalog po ng pangalan ko.”

Nagbiro si Raffy na iibahin na lang daw niya at gagawin na lang na Chucky or Annabelle na as we all know ay mga manika sa mga horror films na Child’s Play at Annabelle respectively.

Sa comments section sa YouTube ay napakarami ang humula na si Barbie Imperial ang tinutukoy na young actress dahil kaboses daw nito at dahil na rin sa clue na Manika.

Well, at least ay nagkaayos naman sila ke si Barbie siya or hindi.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page