top of page
Alex Eala at Sandro Marcos - FB.jpg

Hollywood actor, nasa 'Pinas… Kalat na: Matt damon, pasok sa serye ni Coco

  • Beth Gelena
  • Dec 5, 2019
  • 1 min read

Beth Gelena / Bulgary Files

Photo: @mr.cocomartin (right)

Naispatan ang American actor na si Matt Damon sa Tagaytay Highlands kamakailan.

Ayon sa kumuha ng larawan ay kumakain sa isang restaurant ang bumida sa Jason Bourne. Tuwang-tuwa raw ang waiter sa kinainan nitong restaurant dahil ang laki ng ibinigay na tip.

Ang sabi naman ng ibang netizens, baka raw si Matt ang sinasabing Hollywood actor na papasok sa Ang Probinsyano ni Coco Martin.

Nag-aalala naman ang avid viewer ng AP. ‘Di raw kaya malugi ang teleserye ni Coco dahil A-list ang Hollywood actor kaya siguradong mahal ang TF?

Komento ng netizen, “Seriously, A-list actor ‘yan. Baka malugi ang Ang Probinsyano sa ibabayad at tuluyan nang mamatay si Cardo Dalisay.”

Ayon pa sa netizen, ang balita nila ay si Antonio Banderas ang ipapasok sa AP. Mas mababa raw kasi ang TF ni ng Hollywood actor.

Well, hintayin na lang natin kung sino sa dalawang foreign actors ang ipapasok sa Ang Probinsyano.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page