top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Colonia siblings, silver at bronze medalist sa SEAG

Gerard Arce
Dec 5, 2019
2 min read

Photo: Abs-cbn (left) / Espn5 (right)

Nabitbit ni Margaret Colonia ang silver medal sa women’s 59kgs event nang buhatin niya ang kabuuang 189 puntos (82 sa Snatch at 107 sa Clean and Jerk) kamakalawa ng gabi sa kompetisyon ng weightlifting event sa 30th Southeast Asian Games sa Ninoy Aquino Stadium sa Manila.

Walang nakapigil sa lakas ni Hoang Thi Duyen ng Vietnam nang iaangat niya ang 210 iskor mula sa pangunguna sa snatch (95) at clean and jerk (115) para sa gold medal. Natanggap ni Andriani Putri ng Indonesia ang bronze medal sa nakamit na 177 total points mula sa 79 sa snatch at 98 sa clean and jerk. Bronze medal ang naiuwi ni 2016 Rio Olympics campaigner Nestor Colonia sa men’s 67kgs category sa kabuuang buhat nitong 287 total score mula sa 127 sa snatch at 160 sa clean and jerk.

Nanguna sa kategorya si Deni deni ng Indonesia sa nakolekta nitong 315 puntos mula sa 143 sa snatch at 172 sa clean and jerk para sa gold medal, habang nadala ni Dinh Xuan Hoang ang silver medal mula sa kabuuang 308 iskor mula sa 135 sa snatch at pangunguna sa 173 sa clean and jerk.

Hinabol ng Vietnamese weightlifter na si Pham Thi Hong Thanh ang kalamangan ni Filipina Elreen Ann Ando para makuha ang gold medal sa women’s 64kgs category.

Kumarga ng husto ang Vietnamese weightlifter sa clean and jerk category ng bumuhat ito ng kabuuang 124 para ungusan ang 115 lang na nakuha ni Ando sa clean jerk total nito.

Nakuha ni Hong Thanh ang kabuuang 214 score laban sa 213 puntos ni Ando, kung saan lamang ito ng 8 puntos sa snatch sa 98 puntos laban sa 90 lamang ni Hong Thanh.

Napunta ang bronze medal kay Bernadicta Study ng Indonesia sa kabuuang 186 points mula sa 78 sa snatch at 108 sa clean and jerk.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page