Motorsiklo bumaligtad, 2 patay
LAGUNA — Dalawa katao ang namatay nang aksidenteng bumaligtad ang sinasakyan nilang motorsiklo kamakalawa sa Bgy. Palina, Nagcarlan.
Kinilala ng pulisya ang dalawang biktima na sina John Rich Albueno at Sophia Secretario, kapwa residente sa naturang lalawigan.
Ayon sa ulat, nawalan umano ng kontrol si Albueno sa pagmamaneho ng motorsiklo habang angkas si Secretario kaya bumaligtad ang nasabing sasakyan.
Nabatid na kapwa nabagok sa sementadong kalsada ang ulo ng dalawang biktima.
Dinala ng mga saksi ang dalawa sa ospital, pero kapwa sila idineklarang dead-on-arrival.





Comments