Niyaya raw ng GF na magbakasyon abroad… Arjo, 'di natanggap ang Luna Award dahil kay Maine
Beth Gelena / Bulgary Files

Photo: @arjoataydeofficial
Nag-post si Arjo Atayde sa kanyang social media account ng larawan ni Maine Mendoza kung saan para siyang nasa isang supermarket.
Marami ang kinilig sa kani-kanilang fans dahil talaga raw ginagawa ni Arjo ang kanyang duty as a boyfriend kay Maine.
Nasa isang bakasyon umano ang dalawa at sabi ng netizen, “She deserves a vacation. She deserves to rest. She deserves to have a break from continuous work. She deserves a man who will care for her just like everyone else.”
Pero, sadyang may mga bashers na hindi makuntento kapag nakikita nilang masaya ang ilan sa mga showbiz couples. Sinabihan agad nila na kung napapagod na raw sa pag-aartista ang mga ito ay mag-quit na sa showbiz, tulad na lang ni Maine.
Pagtatanggol naman ng supporter ni Maine: “Bakit ganyan ang mga bashers ni Maine? ‘Pag nakikitang nagbabakasyon o may mga issues, iwan agad ang showbiz? Like, ano ba’ng klase ng pag-iisip ‘yan? Just like any others, tao rin si Maine na napapagod. Kahit ano pa ang status ng buhay n’ya, ‘di po s’ya ipinanganak na perfect.”
Sumasama raw ang loob ng AlDub fans dahil sa mga photos together nina Arjo at Maine. Ayon naman sa ArMaine fans, walang pinapasama ng loob ang kanilang idolo.
Anila, “Accept Maine and Arjo and move on na.”
Ang larawang ipinost ni Arjo ay kuha umano nu’ng nagbakasyon sila sa LA at Las Vegas. Kaya raw pala no show ang aktor sa Luna Awards nu’ng Nov. 30 ay dahil nagyaya umano si Yaya Dub na mag-out of the country.
Komento tuloy ng isang netizen, “Na-miss tuloy ni Arjo ang pagtanggap ng Luna award. Napansin ko lang, bakit tuwing tatanggap ng award si Arjo, nagyayaya si Maine mag-out of the country?”
Depensa naman ng fan ni Arjo, “Choice ni Arjo ‘yun. Kung gusto niyang makasama si Maine, wala tayong magagawa. Ano’ng tingin mo kay Arjo, robot na sususian?”





Comments