top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

May bago nang BF, kinukulit pa rin ng dating ka-fling kaya problemado

Roma Amor
Dec 3, 2019
1 min read

Dear Roma, Ako si Nicky, 27 at may boyfriend. Gusto kong humingi ng payo sa inyo dahil kamakailan ay nanggugulo ang dati kong ka-fling noong college pa ako. Nu’ng una, akala ko, simpleng nangungumusta lang siya kaya pinansin ko, pero habang tumatagal ang pag-uusap namin ay naiinis na ako dahil nagpupumilit siyang makipagkita sa akin kahit ayaw ko. Okay naman kami ng BF ko at ayaw kong maging problema ito, pero ayaw niya akong tigilan kaya naiinis talaga ako. Ano ang dapat kong gawin? — Nicky

Nicky, Naku, sis, nakakainis talaga ang mga ganyang tao dahil kung kailan masaya at kuntento ka na sa buhay mo, saka siya susulpot at manggugulo. Kung ayaw ka niyang tigilan kahit paulit-ulit kang tumatanggi, huwag mo na siyang pansinin dahil sa huli, siguradong mapapagod din siya at siya ang kusang titigil sa pangungulit sa iyo. Gayundin, huwag mong hayaan na makaapekto ito sa relasyon ninyo ng BF mo. Okay?

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page