Maliliit na isda at dalag sa ilog, sign na mabenta sa mga batang guys pero foreigner ang magiging BF
Salaminin natin ang panaginip ni Cindy ng Cindy_France_Bristol@ facebook.com
Dear Professor, Hindi ko makalimutan ‘yung panaginip ko na malawak na ilog at may malinaw na tubig.
Sa sobrang linaw ng tubig, kitang-kita ko ‘yung maliliit na isda na may iba’t ibang kulay, tapos may hawak akong dalag.
Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?
Naghihintay, France
Sa iyo France, Ang maliliit na isda ay nagsasabing marami ang nagkakagusto sa iyo na mga bata, kumbaga, mga mas bata sa iyo. Ang malaking dalag naman ay nagsasabing foreigner ang magiging boyfriend mo.
Kitang-kita sa panaginip mo na almost zero ang love life mo dahil kapag napapaginipan ang malinaw na tubig, ang nanaginip ay naghahangad ng dalisay at wagas na pagmamahal.
Kung nagkataong may karelasyon ka, ito ay nagsasabing hindi mo talaga siya mahal.
Kung nagkataon naman na minahal mo siya, ito ay nagsasabing ngayon ay hindi na, as in, nawawala na ang pagmamahal mo.
Kung nagkataong ikaw ay may asawa, sa maniwala ka o hindi, ganu’n pa rin, hindi mo na mahal ang iyong asawa. Ang lahat ng ‘yan ay ang mismong kahulugan ng panaginip ng malinaw na tubig.
Masarap magmahal kaya kapag walang love life ang babae, walang sarap ang buhay. Kumbaga, a life without love is a life of emptiness.
Ayon sa iyong panaginip, hindi magtatagal ay magkakaroon ka ng buhay na puno ng kasiyahan dahil tulad ng nasabi na sa unahan, magkakaroon ka ng foreigner boyfriend at mahal na mahal n’yo ang isa’t isa.
Kaya ang payo, makipag-chat ka sa mga foreigner, huwag kang matakot dahil hindi naman lahat ng foreigner ay may masamang hangarin.
Ang totoo nga, mas marami sa kanila ang naghahangad din na magkaroon ng true love na tulad mo.
Hanggang sa muli, Professor Seigusmundo del Mundo





Comments