Kung dati, sangkaterba ang sakit…Pagkawala sa showbiz, nakabuti kay Kris
- Erlinda Rapadas
- Dec 3, 2019
- 1 min read

Magandang balita para sa amin kung okey na ang kalusugan ngayon ni Kris Aquino. Matagal-tagal na rin siyang nagsa-suffer sa kakaiba niyang allergies.
Kadalasan, ito ay stress-related kaya nakabuti kay Kris ang pansamantala niyang pananahimik sa social media. Plus factor din sa pagbuti ng kalusugan ni Kris ang kanyang pakikipag-ayos sa Falcis brothers.
Mabigat dalhin ang ganu’n katinding problema na nagdulot kay Kris ng depression. It’s good na nariyan din at sumuporta kay Kris ang kanyang mga kapatid, mga kaibigan at fans.
Hindi siya nailugmok ng kanyang karamdaman at kahit papaano, ang pagbibiyahe nilang mag-iina abroad ay nagbigay din kay Kris ng panahon upang siya ay gumaling at makapagpahinga ang kanyang isip at katawan.
Okey din kung mabibigyan na siya ng sarili niyang talk show. Sana, kunin siya ng TV5 ngayong balik na ang kanilang entertainment department.





Comments