top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Buong pamilya, bitbit; mga ninong at ninang, bigating pulitiko… VG Jolo, sa Dec. 15 ang kasal sa Tat

  • Julie Bonifacio
  • Dec 3, 2019
  • 4 min read

Tutulak patungong Amerika ang pamilya ni Bacoor City Mayor Lani Mercado at Senator Ramon “Bong” Revilla, Jr. para sa nalalapit na kasal ni Cavite Vice-Governor Jolo Revilla sa kanyang fiancée na si Angelica Alita.

Ito ang ibinulgar ni Mayor Lani nu’ng makausap namin sa kanyang opisina sa munisipyo ng Bacoor o mas kilala bilang Bacoor Government Center (BGC) sa Molina Boulevard, Bacoor City last Monday.

“We’ll be leaving on December 6 (Friday), hanggang 20 kami ru’n para sa wedding ni Vice-Governor Jolo. Ang kasal po niya ay sa December 15 (Sunday),” masayang bungad ni Mayor Lani.

Excited silang lahat dahil this will be the first time na may anak siyang lalaki na ikakasal.

“Kasi ‘yung una was Inah (Revilla-del Rosario) na may tatlong apo na ako, oo.

Well, this is something different kasi sa labas ng bansa. Sabi ko nga, napaka-hectic. Saka kasi, this is something different,” kuwento ni Mayor Lani.

This is the first also na magbabakasyon sila na kasama ang mga kapatid ni Sen. Bong except kay Antipolo, Rizal Mayor Andeng Bautista-Ynares.

“Andeng will be here for Daddy (Ramon Revilla, Sr.). But this is the first time na buong pamilya, nandoon kami, for the looongest time. Maliliit pa ang mga anak namin, bata pa kami noon, hahaha, nu’ng huli kaming nagbakasyon.”

Palaisipan naman sa ilan kung bakit sa US napili nina VG Jolo at Angelica na magpakasal.

“Sila ‘yung nag-decide, eh. Sabi nga ni Kuya Marlon (Bautista, eldest brother of Senator Bong), ‘Mukhang ginagaya talaga kayo. Idol niya talaga si Papa niya.’ ‘Di ba, ang unang kasal namin was in the States? But that was very solemn, very simple. Ito, he opted to do it in the States.”

Maganda naman daw ang Pelican Hill na nasa California, USA. “Sa Pelican Hill, it’s a Christian wedding. It’s going to be in Pelican Hill, oo.”

Hindi masabi ni Mayor Lani kung sino ang mas apektado sa kanila ni Sen. Bong sa pagpapakasal ni VG Jolo.

“Sino ang umiyak? Hindi ko pa alam. Kasi, of age na si Jolo. Jolo is I think, 31?

Oo, 1998 ko siya ipinanganak. Tama ba ang computation ko? Medyo limut-limot na ang lola mo. Hahaha!”

Nasa tamang edad na raw si VG Jolo para lumagay sa tahimik at naniniwala si Mayor Lani na ito na ang tamang panahon for him to get married.

“Pero kahit of age na siya, nagpaalam naman. Uhm, kumbaga, sa pamilya namin, alam na naming ikakasal na siya. I think, he announced it, nag-ano, nagpahiwatig na ikakasal na siya. Ano ba ‘yun? Nag-propose siya. I think that was his birthday. But he announced it during his birthday, of this year, na ikakasal na.”

We asked her kung pormal ba silang kinausap ni VG Jolo at ipaalam ang plano niya na mag-asawa na.

“That happened a month after, before his birthday. So, wala naman. Sabi ko, ‘Sigurado ka na ba?’ Uh, siyempre, alam naman natin ang kanyang love life, open book naman ‘yun. So, sabi ko, basta masaya siya.”

Ano ang first dialogue ni Sen. Bong nu’ng magsabi sa kanila si VG Jolo na gusto na niyang magpakasal?

“Naku, hindi ko na maalala. Basta sinabi namin, ‘Sigurado ka na ba?’ Kasi, alam mo naman ang pagpapakasal. Hindi naman ‘yan ‘pag napaso ka, iluluwa mo na parang mainit na kanin. So, it will be forever and he went through the right process of getting married.”

Taga-Mindoro Oriental daw ang pamilya ni Angelica.

“Actually, hindi pa kami nagpupunta ru’n, pero ang mga kapatid kasi, nandito, nasa Manila. Nagkita-kita na lang po kami,” tsika pa ni Mayor Lani para sa pamamanhikan nila sa pamilya ni Angelica.

Tungkol naman sa mga ninong at ninang, ang dami raw nasa listahan nina VG Jolo at Angelica.

“We fixed the guest list yesterday. Ang alam kong pupunta is (Davao City) Mayor Inday Sara (Duterte), si Tacloban Congressman Martin Romualdez…

Uh, who’s on the list? Of course, sina Tita Rowena (Bacoor Councilor Mendiola-Bautista), Tita Princess (Revilla) niya, si Tita Gigi (dela Riva, wife of Marlon Bautista).

“Majority, pulitiko. Alam mo naman si Jolo, eh, he’s very active sa public service life niya. So, nandu’n si (Cavite) Governor Jonvic Remulla sa list.” Pero wala raw mga “boss” from ABS-CBN and GMA-7 na kasama sa listahan ng principal sponsors sa wedding.

“From the industry, parang ninong si Sen. Jinggoy (Estrada), of course. Si Sen. Manny Pacquiao is part of the entourage. Ninong siya actually. Ang proxy niya, si Arnold Vegafria.”

Nagbigay din ng sariling paglalarawan si Mayor Lani tungkol kay Angelica. “Siguro, sa pagkakakilala ko kay Angel, masasabi ko, eh, kahit siya ay beauty queen, simple siyang tao. She’s very supportive of Jolo. Nakikita ko na at ease si Jolo with her. Very, very supportive. She’s as old as one of my daughters, si Gianna.”

Very supportive na partner daw talaga si Angelica kay Jolo.

“Kasi, if she opted to be a career woman, malamang, hindi niya pakakasalan si Jolo this year at she vied for Binibining Pilipinas. Kasi she’s being groomed to be, to follow the footsteps of Catriona (Gray). Kasi nasa Team Catriona siya, eh. She was being groomed to join Binibining Pilipinas. Kasi, nag-First Runner-Up (Binibining Pilipinas) na siya before, eh. Pero pinili niya ang pag-ibig.”

So, asahan na natin na magiging visible at very active si Angelica sa political affairs ni VG Jolo.

“Oo, sabi ko nga sa kanya, since ‘yung iba kong anak na babae ay abala, baka siya na ang pagpo-proxy-hin ko kapag kailangan ko ng proxy. Hahaha! Ginawang proxy? Oo, mabait na bata naman siya.”

Nilinaw naman ni Mayor Lani ang sinabi niya during her speech sa flag ceremony ng mga empleyado ng munisipyo na parang magkakaapo ulit siya courtesy of VG Jolo.

“Uh, pine-pray ko po siyempre na magkaroon ng apo sa kanya, oo. Hindi naman meron na. Wala pa naman po. Wala namang ganu’n,” pagkokorek ni Mayor Lani.

Klaro ‘yan, huh?

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page