Anong Saksi ay Siyang Bunga ni: Antonio P. Basilan II

Pintong walang susi sa anyo ng mata na siyang humuhubog nitong kaluluwa, na sa masisilip ang magiging bunga mabangis na lobo o maamong tupa.
Iba man ang anyo kung mananayuhan ay hindi naman huwad at pareho lamang, layon ay makita ang katotohanan na siyang nakakubli sa sandaigdigan.
Kung minsan ay mali ang daang tinatahak sapagkat sa ibang daan itong lumilingap, ang inaakalang walang dudang payak ang maging dahilan ng pagiging pisak.
Patuloy ang talim lalapit, tutusok sa bilugang mata kung walang susubok, hawiin ang tingin at sa iba itutok upang hindi mabulag sarili ay malugmok.
Hindi birong gamitin at mapanindigan itong kaloob sa ating kapirasong laman, na kung magagamit sa maling paraan ay malaking dagok sa ating lipunan.
Magandang araw, mga bes! ‘Wag nang magpahuli sa trend at i-share na ang inyong #Hugot at i-confess mo na, bes ang matagal mo nang gustong aminin sa bagong column ng BULGAR na WHAT’S IN, KA-BULGAR? Ito na ang perfect timing para ma-publish ang laman ng inyong damdamin kaya mag-send na ng personal message sa aming official Facebook page – www.facebook.com/BULGAR.OFFICIAL. Hihintayin namin ang PM n’yo, mga bes, hindi ‘yung puro kayo na lang ang naghihintay sa wala. Char!





Comments