3 ginto sa arnis, Tacuel ng Pencak Silat, gold din
- Gerard Arce
- Dec 3, 2019
- 2 min read

Nag-uwi ng gintong medalya si Edmar Tacuel sa men’s pencak Silat seni-tunggal makakuha ito ng 470 points laban kay Rahman Muhammad Abdul ng Singapore na may 461 para sa silver medal kasunod si Dino Sulistianto ng Indonesia na may 460. Ito ang unang gintong medalya ng natamo ng Pencak sa Subic Bay Exhibition and Convention Center kung saan nakakuha ng 296 Accuracy at 174 Firmness ang 20-anyos na tubong-Iloilo na si Tacuel.
Hindi man ito ang unang sport na kinahiligan niya, nagawa na rin niyang angkinin ang pampalakasang nagbigay sa kanya ng oportunidad para maging miyembro ng Pambansang koponan noong 2012.
“Sobrang saya po ng nararamdaman ko ngayon. Lahat po ng paghihirap namin ay naging worth it naman po,” wika ni Tacuel. Samantala, humampas ulit ng panibagong 3 gintong medalya ang National Arnis team sa Angeles University Foundation. Tinalo ni Jesfer Huquire si Van Cong Quoc sa iskor na 6-4 upang kunin ang unang gold sa men’s - 55kgs bantamweight category.
Napunta ang bronze kina Deb Nget ng Cambodia at Oo Nay Lin ng Myanmar. Kinuha ni Elmer Manlapaz ang ikalawang ginto sa men’s under 60kgs Featherweight division nang durugin nito si Nguyen Duc Tri ng Vietnam via 10-1, habang ibinigay kina Ko Tin ng Myanmar at Sok Chihun ng Cambodia ang tig-isang bronze medal.
Dinomina ni Carloyd Tejada si Young Thanh Tung ng Vietnam sa iskor na 10-3 para sa 3rd gold medal ng bansa sa +65kgs Welterweight category. Nabiyayaan ng bronze medals sina Moeun Bunly ng Cambodia at Thun Kyaw Thurain ng Myanmar.
Naunsyami ang inaasam na sweep sa men’s under 65kgs Lightweight category ng matalo si Billy Joel Valenzuela laban kay Yong Mengly ng Cambodia via 4-2 iskor, samantalang naibigay kina Linn Aung Khaing ng Myanmar at Vu Duc Hung ng Vietnam ang bronze medals.





Comments