top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Union Bell at Exponential

Ding Taboy
Dec 2, 2019
1 min read

RENDA at LATIGO

Itinanghal na kampeon ang Union Bell sa katatapos na 2019 Philracom 3rd Leg Juvenile Colts Stakes Race at After Party sa 3rd Leg Juvenile Fillies Stakes Race sa San Lazaro Leisure Park, Carmona, Cavite.

Unang pinagharian ni Union Bell ang 3rd Leg Juvenile Colts laban sa mga kalaban na Lucky Saving, Four Strong Wind, Blazing Bullet at Money Dance.

Sa umpisa ng karera bumandera ang Four Strong Wind, habang nakasunod ang Union Bell at pangatlo ang Lucky Saving.

Sa huling 400 meters kinuha na nang Union Bell ang unahan hanggang tawirin ang distansiyang 1,500 meters sa oras na 1:34 segundo. Dumating na pangalawa ang Lucky Saving, habang dumating na pangatlo ang Four Strong Wind at pumang-apat ang Blazing Bullet.

Tinanggap ng Union Bell ,ang P1.2-M bilang unang premyo, habang tumanggap ng P450,000, kay A.F. Cayco matapos masegunda at naman ni A.R Santos ang P250,000 bilang 3rd placer ng kabayong Four Strong Wind at nagkamit ng P100,000 bilang 4th placer ng Blazing Bullet.

Pinagwagian ng kabayong Exponential ang 3rd Juvenile Fillies Stakes Race upang sungkitin ang unang premyong P1.2-M. Pumangalawa ang Carmela’s Fury, na tumanggap ng P450,000, 3rd ang our secret na nag-uwi ng P250,000 at may P100,000 ang pumang-apat na Nicole Favorate.

Itinanghal na breeder winner si Ruben Puyat sa pagkakapanalo ng dalawang kabayo ang Union Bell at Exponential.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page