Nagtapatan, baguhang TV host, palaban! Hipon Girl, kumasa kay Julia sa aktingan

Hindi nadehado ang tinaguriang Hipon Girl ng Wowowin na si Herlene Budol nang makatapat niya si Julia Barretto na bida naman sa tampok na kuwento sa Maalaala Mo Kaya (MMK).
Si Hipon Girl ang gumanap sa character ni Jenny na isang OFW sa Dubai na na-in love sa kanyang among Egyptian.
Hindi na-intimidate si Hipon Girl kay Julia at nag-message pa nga ito sa huli na “Maganda ka na, mas sikat ka sa akin, ‘yung ratings na lang ang ipaubaya mo!”
But in fairness, may ibubuga rin pala sa heavy na aktingan itong si Hipon Girl. Kahit na jologs na jologs siyang kumilos at magsalita sa Wowowin, keri rin pala niya ang magdrama.
Talbog sa kanya ang ibang artista!





Comments