top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Nagpakasal. Nagkamali. Nagsisi.

  • Janice DS Navida
  • Dec 2, 2019
  • 4 min read

Sikat na sikat noon ang tambalang Gabby Concepcion at Sharon Cuneta na nauwi pa nga sa pagkakaroon nila ng relasyon, pagpapakasal at pagkakaroon ng anak — si KC Concepcion.

Si Gabby, ang isa sa mga top leading men noong dekada '80, pero dahil sa pagkakasangkot sa Manila Film Festival scandal noong 1994, iniwan nito ang Pilipinas at nanirahan sa Amerika kung saan nagtrabaho siya bilang real estate broker at rumaraket-raket bilang singer.

After 13 yrs., bumalik si Gabby sa Pilipinas noong 2018 at muling binalikan ang kanyang showbiz career.

Gaano nga ba kahirap para kay Gabby ang pagbabalik sa mundo ng pelikula kung saan una siyang nakilala, at paano nasubok ang kanyang katatagan sa pagkawala niya sa showbiz?

“Alam mo, ang showbiz, marami ang pinagdaraanan ng bawat gustong sumubok sa pinilakang-tabing. So, katulad ng isang pulitiko, ang artista, kasama diyan ang lahat ng uri ng pambabatikos. Whether maganda or hindi, sabi nga nila, good or bad publicity is still publicity. At ‘wag ninyong pepersonalin, trabaho lamang.

“So, ang panahon kasi ay maiksi lang. Ang lahat ng bagay ay dumadaan katulad ng pagsikat at paglubog ng araw, paulit-ulit lang ‘yan. So, ang buhay ay parang gulong, ‘yan ay kung minsan, ikaw ay nasa ibaba, kung minsan, nasa itaas. Ganu’n lang talaga ‘yan.”

Ano ang natutunan niya nang subukin ang kanyang katatagan?

“Ano lang, ride ka lang. Sakay ka lang and let the weather pass. ‘Yan, okay lang ‘yan. Sa lahat ng pagsubok ng buhay naman talaga ay meron niyan. At ‘pag may bagyo, meron din namang magandang araw, sisikat din ang araw at ganyan lang talaga ang mundo natin,” sabi ni Gabo.

Minsan ba sa buhay niya na may dumating na pagsubok, natanong niya si Lord kung bakit ito kailangang mangyari sa kanya?

“Ahmm, katulad ng showbiz, hindi ko alam kung bakit hanggang ngayon, nandirito pa rin ako. So, magandang ano ‘yan, eh, mensahe naman na kung ang mga bagay na nangyayari sa ating kabutihan ay kung minsan, hindi naman natin hinihingi, dumarating lang, at sa lahat ng nangyayari sa buhay natin, since life is short, magpasalamat po tayo sa bawat patak ng minutong pinagdaraanan natin na tayo’y nandirito pa sa mundong ito.

“Katulad ko, ang aking motto is I have nothing to complain about in everything, to be thankful for because hindi naman po lahat ng tao ay puro malas, pero hindi rin naman lahat ng tao ay puro suwerte, katamtaman lamang. Kagaya nga ng mga ibang hashtags, eh, eksakto lamang.”

Sa dami ng mga pagsubok sa kanyang buhay, mapa-personal o showbiz career man, ano ang maituturing niyang ‘lowest point’ niya?

Rebelasyon ni Gabby, “Well, siyempre, maraming bagay na gusto mo sanang maging perfect katulad ng ‘pag nagpakasal ka is sana ay isang beses lang, ‘noh? Pero, siyempre, hindi naman tayo eksperto diyan, ‘noh? Marami pa’ng ibang bagay, pero ‘yun ang isang bagay na sana, nai-perfect ko. Pero tao lang ako at ako’y nagkakamali, so… ganito na lang ako talaga.

“Pero kung meron ho kayong mahal na tao, ibigay lang ho ninyo ang puso ninyo. Don’t stop loving because it’s part of life. And one is not completely filled if that person has not experienced loved.”

Hindi ba siya na-depressed nang dumating siya sa lowest point ng kanyang buhay?

“Ay, hindi ho. Oho, hindi ho ako nade-depressed. I don’t even know the word. I’ve never felt it. A lot of people say na na-depressed ako. Ah, of course, malungkot tayo pero iba ‘yung depression, eh, medyo it’s a deep word, ‘noh? So, I don’t think I’ve ever experienced depression in my life.

“Magpasalamat po tayo because… ‘yun lang naman ang ginagawa ko parati. Of course, merong mga nangyayaring negative sa buhay natin, but there are more positive things that happens in everybody’s life, hindi lang natin ipino-focus ‘yun.

“Kung minsan, ang ipino-focus natin ‘yung negative kaya kung minsan nangingibabaw ‘yung negative. But honestly, there is more positive that happens to every individual, hindi n’yo lang napapansin ‘yun. So, pansinin ho natin ‘yung mga good things na nangyayari sa buhay natin, you will realize that there’s actually more positive than what’s happening na negative,” dire-diretsong pahayag ni Gabo.

Dahil sa mga pinagdaanan niya sa buhay lalo na sa kanyang love life kung saan ilang beses nga siyang nagpapalit-palit ng karelasyon bago niya natagpuan ang longtime non-showbiz partner niya ngayon, hiningan namin si Gabby ng maipapayo sa mga taong dumaan sa pagsubok at pinanghihinaan ng loob.

“Well, kailangan lang tibayan natin ang loob natin. Tulad ng sabi ko kanina, ang buhay ay parang gulong lang, mararanasan natin ang lahat ng uri ng sakit at siyempre, sakit sa puso at kung anuman ‘yan. Pero darating ang panahon na tayo ay bibigyan din ng biyaya ng Diyos at siyempre, gagantimpalaan din naman tayo because tayo ‘ika nga ay patient and tayo’y naniniwala and of course, tayo ay masayahing tao.

“No man is an island. So, maniwala tayo sa mga payo ng ibang tao at always think good for others because what comes around goes around,” malaman at makabuluhang pahayag ni Gabby Concepcion.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page