Horoscope | Disyembre 2, 2019 (Lunes)
- Maestro Honorio Ong
- Dec 2, 2019
- 2 min read

Sa may kaarawan ngayong Disyembre 2, 2019 (Lunes): Hindi ka mauubusan ng mga suwerte, ito ay alam mo at ng mga lihim mong kaaway. Magpasalamat ka sa nasa itaas dahil ito ay iyong obligasyon.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Mapasasaiyo ang munting suwerte. Gayunman, ito ay tulad ng maliit na buto na hindi nagtagal ay naging malaking puno na hitik na hitik sa matatamis na bunga. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-7-10-23-30-34-44.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Maging masinop ka at mapagpahalaga sa mga hawak mo na. Huwag mong pansinin ang mga namimintas sa iyo dahil sa huli, mauunawaan din nila ang kahalagahan ng pagsisinop. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-9-11-12-24-38-41.
GEMINI (May 21-June 20) - Magkahalong saya at lungkot ang iyong madarama, pero habang lumalakad ang mga araw, ang saya ay maghahari sa iyong buhay. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran sa kasalukuyan. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-17-20-28-31-37-41.
CANCER (June 21-July 22) - Alisin mo ang sama ng loob mo sa kahit na sino. Magugulat ka dahil ang puwesto ng sama ng loob sa iyong puso ay pananahanan ng pagmamahal at ikaw ay susuwertehin nang todo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-1-18-21-23-35-36.
LEO (July 23-Aug. 22) - Pahinga ang iyong kailangan dahil mahaharap ka sa mga araw na ikaw ay sobrang aktibo. Kaya muli, mamahinga ka upang makaipon ka ng lakas. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-16-19-20-25-26-33.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Huwag mong hanapin ang wala sa tabi mo. Bigyang-halaga mo ang mga nasa paligid mo dahil sila ang panggagalingan ng iyong lakas at sigla. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-6-17-21-22-28-30.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Napaliligiran ka ng mga tukso. Mag-ingat ka! Ang tukso ay makasisira ng buhay at ang inspirasyon ay nagpapaganda ng buhay. Ito ay kailangan mong maunawaang mabuti. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-9-10-14-18-25-38.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Kumikilos ang iyong kapalaran sa pagpapaganda ng iyong kinabukasan. Kumilos ka rin para sa iyong hinaharap nang sa gayun ay hindi mo makontra ang galaw ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-17-28-30-33-37-43.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Mamuno ka nang masaya upang masayang magsisunod ang lahat. Ito ay gawin mo kahit may ilang personal kang problema. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-18-28-31-38-40-42.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Hindi mo muna makukuha ang mga hinangad mo, pero ang mga pinangarap mo ay mapasasaiyo. Minsan, masarap pa ang mangarap kaysa magsikap para sa hinahangad. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-11-19-27-28-35-38.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Hindi ka dapat malunod sa saya dahil makakalimutan mo ang mahahalagang obligasyon mo sa buhay. Magsaya ka nang magsaya, pero dapat ay nabubuhay ka pa rin sa reyalidad. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-6-11-14-15-25-33.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Suwerte ka sa nasa malayo, pero suwerte ka rin sa nasa malapit. Saan ka pa? Ngayon ang magandang araw para mag-alay ka ng papuri at pasasalamat sa nasa itaas. Gawin mo na! Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-3-18-20-21-23-39.





Comments