5 gold sa Dance Sport, bronze na-idagdag pa

Photo: Abs-cbn News
Napaindak sa tuwa ang sambayanan dahil bago mananghalian kahapon, higit pa sa doble na parang sayaw ang mga ginto ng bansa sa pagwawakas ng mga unang sayawan sa Dance Sport sa Royce Hotel sa Clark, Pampanga. Sunod-sunod ang mga tagumpay sa Waltz, Tango, Viennese Waltz, Foxtrot at Combined Five Dances.
Sinimulan ng pares na sina Mark Jayson Gayon at Mary Joy Renigen ang pagningning ng mga Pinoy sa pagpanalo ng ginto sa Waltz.
Naging unang multiple gold medalist ng Pilipinas sina Sean Mischa Aranar at Ana Leonila Nualla nang magwagi sa Tango at Viennese Waltz pero pinantayan sila nina Gayon at Renigen matapos ang kompetisyon sa Foxtrot.
Pinigil ng Vietnam ang winning streak ng mga Pinoy sa Quick Step sa likod nina Nguyen Duc Hoa at Nguyen Thi Hai Yen. Pilak lang sina Gayon at Renigen pero bumawi ang Pilipinas at nakaginto sa Combined Five Dances salamat kay Aranar at Nualla.
Samantala, naisalba ni Avegail Rombaon ang Tanso sa Women’s Mountain Bike Cross Country sa Tatlong Bungo ng Laurel, Batangas.Umoras si Rombaon ng 1:48:54 sa likod ng dalawang taga Vietnam na sina Dinh Thi Nhu Quynh (1:36:43) at Ca Thi Thom (1:44:19).
Naging masaklap ang araw para sa maagang paboritong si Ariana Dormitorio. Lamang si Dormitorio sa unang tatlong lap subalit nagkaroon ng problema ang kanyang bisikleta at napilitang hindi tapusin ang karera.
Maliban kay Wong, nag-ambag din ng tanso si Daniel Parantac sa Men’s Taolu Taijiquan. Ang ginto ay napunta kay Loh Choon How ng Malaysia (9.68) at maliit lang ang pagitan ng pilak na si Hosea Zheng ng Brunei (9.59) at Parantac (9.56). Nagtapos naman si Johnzenth Gajo sa ika-pitong puwesto sa 10 kalahok sa Men’s Taolu Changquan.





Comments