top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Nakahanap ng katoma, BI raw sa BFF… Angelica, tuwang-tuwa na lasengga na rin si Bea

Janice DS Navida
Dec 1, 2019
2 min read

Bentang-benta sa mga net­izens ang Lie Detector Drinking Game nina Angelica Panganiban at Bea Alonzo in collaboration with Rec-Create para sa promotion ng bago nilang movie na Unbreakable.

Sa nasabi kasing ‘lie detector test’, every time na lumabas na nagla-lie sila sa mga tanong, kailangan nilang uminom ng 1 shot ng alak. At dahil open naman ang pagiging ‘tomador’ ni Angelica, enjoy na enjoy pa ito tuwing nagkakamali, pero hindi si Bea na walang image na lasengga.

In fairness, aliw much ang Q&A sa isa’t isa ng magkaibigan at mukhang mas ganado pala silang sumagot ‘pag nakainom. Hehe!

Natawa lang kami sa hirit ni Angelica na “Yes, may bagong friend ako na alcoholic. I’ll train you (Bea) well, don’t worry,” nu’ng sinasabayan siya ni Bea ng shot ng alak dahil wala raw silang iwanan bilang bagong BFF.

Though game lang naman ‘yun, worried lang ang ilang netizens na dahil mukhang super friends nga ngayon ang dalawa matapos mag­kasama at mag-bonding sa movie ay magaya na si Bea kay Angelica na may image na mahilig uminom.

Lalo na nang sabi­hin ni Bea na “So, pa­rang mas malapit ako sa kanya kasi in so many ways, she helps me build my character.”

Wish ng ilang naka­panood sa video, sana lang daw, in good way ma-influence ni Angelica si Bea at hindi sa pagiging tomador.

At hindi pa man, na-feel yata ni Angelica na baka nga isipin ng mga tao na bad influence siya kay Bea kaya may nasabi itong, “Matino akong tao, ‘di n’yo lang ako lubusang kilala.”

Kunsabagay, sa dami ng pinagdaanan ni Angge sa pakikipagrelasyon, mukhang marami naman siyang maipapayong ma­ganda kay Bea para maging mas wiser na ngayon ang ex-GF ni Gerald Anderson.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page