top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Men’s Polo, huhukay, ng ginto vs. Malaysia

  • Gerard Arce / A. Servinio
  • Dec 1, 2019
  • 2 min read

Unang gintong medalya ang tatangkaing kunin ng National Team athletes sa araw na ito, habang makikipambuno ang iba pang miyembro ng Pambansang Koponan para sa karangalan ng bansa laban sa dayuhang banyaga para sa opisyal na pagbubukas ng 30th Southeast Asian Games sa iba’t ibang parte ng Luzon.

Sisikapin ng Philippine Polo team na makuha ang unang gintong medalya ng bansa sa muling pakikipagtuos laban sa Malaysia sa nakatakdang championship match sa 4-6 goals mixed division bandang 3 p.m. sa Iñigo Zobel Polo Facility sa Calatagan, Batangas. Nakatuntong sa final round ang Polo team matapos ang magandang laro mula sa 4 points ng 26-anyos na si Augustus “Gus” Aguirre at team captain Tomas Vicente Bitong laban sa Indonesia noong Huwebes. Nagawa ng talunin ng Polo National Team ang Malaysia noong Martes, 8.5-5.

Pare-parehong tabla ang Pilipinas, Malaysia at Brunei sa 2-1 kartada, ngunit nahulog sa bronze medal round ang huli dahil sa mas mababa ang goals na naipasok nito kumpara sa naunang dalawa. Tutulong din sa Plipinas sina Stefano Juban at Eduardo Miguel Lopez habang lalabanan ng Brunei ang Indonesia sa 1 p.m. na nakaiskedyul na laro.

Makasisiguro ng silver medal ang men’s National Water Polo Team sakaling makuha nila ang ikalawang panalo laban sa winless na Malaysian team sa 7 p.m. match-up, samantalang dalawang magkasunod na laro ang kakaharapin ng women’s team na maghahanap ng unang panalo laban sa Singapore sa 9 a.m. match at Thailand sa 2 p.m. game sa New Clark City Aquatic Centre sa Capas, Tarlac.

Matapos makuha ang 6-6 draw laban sa defending champion na Singapore, sa kauna-unahang pagkakataon sa kasaysayan ng Water Polo event ay hindi magwawagi ng gintong medalya sa biennial meet. Kinakailangan pa nilang talunin ang Thailand upang masigurado ang podium finish, habang nakasisiguro na ng gold medal ang Indonesia. “This is the only time in history we’ve lost in the SEA games. We hope that the legacy now becomes one where it encourages all teams in Southeast Asia, including our neighbours to want to do better and raise the level of our water polo games in ASEAN,” wika ni Singapore Swimming Association vice-president Dominic Soh sa panayam ng Channel News Asia.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page