top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Pinoy billiards, may korona uli sa Las Vegas Tourney

  • Eddie M. Paez,Jr.
  • Nov 30, 2019
  • 1 min read

Namitas ng mga titulo sa magkahiwalay na paligsahan ang mga manunumbok na Pinoy na sina Alex “The Lion” Pagulayan at Roberto “Superman” Gomez sa Estados Unidos kamakailan.

Kumartada ng pitong magkakasunod na panalo ang tubong Isabela na si Pagulayan sa loob ng pitong laro para tanghaling kampeon ng Griff’s 9-Ball Turkey Shootout sa Las Vegas, Nevada.

Pinatunayan ni Pagulayan na hindi nagkamali ang mga nagdesisyon na malukok siya sa Billiards Hall of Fame nang walisin niya sina Max Eberle (7-1), Thierry Kalb (7-4), Walter Glass (7-5), Jason Pader (7-2), John Peck (7-2) at Joey Chiu (7-4) sa torneong nilahukan ng may 79 manunumbok.

Ito na ang pang anim na korona ngayong 2019 ng 41-taong-gulang na bilyarista. Bukod dito, mayroon na rin siyang 11 podium results sa kasalukuyang taon. Ito ang nagtulak sa kanya para makaupo siya sa panglimang puwesto ng AZBilliards Moneyboard.

Samantala, hindi rin nagpaawat ang kapwa 41-anyos na si Gomez sa pag-akyat sa trono ng Sidepocket 9-Ball Open sa palaruan ng Side Pocket Billiards and Darts sa Louisiana. Ang pinakamagiting na karibal ng tubong Zamboangang manlalaro ay sina Jamal Yousef (2nd), Robb Saez (3rd) at ang kapwa Pinoy na si Zorren James “Dodong Diamond” Aranas. Ang kampeonato ay nagkakahalaga ng $3,000. Kagagaling lang ni Gomez sa isang 3rd place performance sa 5th Annual Great Dismal Swamp 9-Ball Classic at isang segunda naman sa Houston Open.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page