Kaya gumawa na raw ng maraming babies… John Lloyd, gustong mabawasan ang mga tulad nila ni Vhong
- Beth Gelena
- Nov 30, 2019
- 2 min read
Beth Gelena / Bulgary Files

Pagkatapos ng mga ilang taon na nag-indifinite leave si John Lloyd Cruz sa showbiz ay muling naispatan ang aktor sa showbiz circle.
Naispatan ang mahusay na aktor sa wedding rite nina Vhong Navarro at Tanya Bautista kung saan, isa siya sa groom men ng It’s Showtime host.
Marami ang nakapansin na pumayat si Lloydie pero tumangkad daw ito. Nagmukha raw Koreano si JLC sa kapayatan. Nawala ang dating built ng kanyang katawan, pero andu’n pa rin daw ang kaguwapuhan.
Samantala, nagbigay ng mensahe si Lloydie sa mga bagong kasal.
“Gawa kayo ng babies, pare! Gawa kayo ng maraming baby. ‘Yun ‘yung magpapaganda sa mundo. Para ‘yung mga katulad natin, mabawasan,” sambit ng masaya at mahusay na aktor.
Sa himig ng sinabi ni JLC, isini-share lang niya ang kaligayahan dahil may anak na sila ni Ellen Adarna, si Elias Modesto.
Ibinahagi rin ni Vicki Belo ang iba pang mga kuhang larawan ni John Lloyd. Nilagyan niya ito ng caption na “To all of you who miss John Lloyd Cruz, here’s a treat. He still has the charm and dashing good looks.”
Maraming kinilig na fans ni Lloydie sa mga guwapong kuha ng aktor. Pinasalamatan nila si Dra. Belo dahil sa iba’t ibang mga anggulo na kuha niya sa aktor. Kesehodang nagmukhang photographer ang isa sa mga principal sponsor nina Vhong at Tanya.
Nagbigay din ng seryosong speech si Loydie: “Gusto ko lang sundan ‘yung sinabi ni father kanina na sana maalala n’yo ‘yung mga sinabi n’yo today, lahat ng mga binitawan ninyo, lahat ng mga moves ninyo today,”
Tanong tuloy ng mga netizens, sa pag-attend daw ba ni JLC sa wedding ni Vhong ay may nangyaring usapan sa pagitan ng mga Kapamilya executives? Naroroon din kasi sa kasal ng comedian-actor ang ilan sa mga top gun ng ABS-CBN.
Well, malalaman ‘yan next year kung tinatapos na nga ni John Lloyd ang kanyang indefinite leave sa showbiz.





Comments