Anak na si Andrei, pinagbabaon daw… Aiko, pabor sa condom at pills sa kabataan
- Janice DS Navida
- Nov 30, 2019
- 2 min read

Malaki na ang nabawas sa timbang ni Aiko Melendez nang makaharap namin siya sa contract signing niya bilang endorser ng Theobroma Superfood ng F2N Fortune Marketing last Tuesday afternoon sa Annabel’s Restaurant sa Tomas Morato, Quezon City.
Inamin ni Aiko na ang naturang produkto ang ginamit niya bago pa man niya ito in-endorse at hindi gawa ng siyensiya o liposuction ang kanyang pagpayat.
But of course, aside from Theobroma Superfood, malaking factor din na happy ang love life ngayon ni Aiko with Zambales Vice-Governor Jay Khonghun kaya blooming ang aktres.
At dahil mukhang malalim na rin naman ang relasyon nila ng BF, siyempre ay natanong si Aiko kung gusto pa ba niyang magka-baby uli.
Tumalon na kami sa ganitong tanong sa kanya since nasabi na rin naman niya in her previous interview na wala pa silang balak magpakasal ng kanyang BF lalo’t may inaayos pa sa parte nito.
Pag-amin ni Aiko, kung siya lang ay gusto pa niyang magka-baby uli, pero nang tanungin daw niya ang bunsong anak na si Marthena ay tumutol ito dahil gusto ng bagets na siya pa rin ang baby ni Aiko.
Nasabi naman daw niya kay VG Khonghun ang tungkol dito at inirerespeto nito na hindi pa handa si Marthena na magkaroon ng bagong kapatid.
Samantala, dahil nanay si Aiko, nahingi namin ang stand niya tungkol sa ipino-propose ngayon na payagan nang gumamit ng contraceptives like condom and pills ang mga kabataan para maiwasan ang maagang pagbubuntis.
Ayon sa aktres at dating konsehala sa Kyusi, pabor siya na pagamitin ng contraceptives ang mga kabataan dahil sobra na nga raw open ngayon ang kabataan sa sex at mahirap nang pigilan. Ang kanyang panganay nga raw na si Andre ay lagi niyang pinagbabaon ng condom at kinakausap niya ito tungkol sa usapin ng sex dahil ayaw pa ni Aiko na maging lola agad.
Pero paglilinaw niya, dapat ay 21 above ang i-allow na gumamit ng contraceptives at hindi ang mga kabataang 10 yrs. old pa lang pataas.





Comments