Wow, wala siyang ka-win-win du'n… Aktres na baliw sa pag-ibig, wa' paki sa kayamanan ng ric

BLIND ITEM:
Labis na ipinagtataka ng marami kung bakit ayaw magpakaseryoso sa buhay ng isang aktres na ngayon ay isa nang single mom. Kung tutuusin, pupuwede na siyang mabuhay na mala-prinsesa kung aayusin lang niya ang takbo ng kanyang buhay.
Super-duper rich ang erpats ng not so young actress. Maraming negosyong naipundar ang kanyang sikat na ama at marami ring nabiling properties.
Inalok na ang aktres noon ng kanyang father dear na pamahalaan ang mga negosyo niya tulad ng mga condos, resorts, rest houses, atbp.. Nagkakaedad na rin ang kanyang ama at madalas nang nagkakasakit, kaya gusto nito na siya na ang mamahala sa kanilang negosyo.
Pero sa halip na tanggapin ang offer ng rich dad, kung anu-ano na lang ang pinagkakaabalahan ng aktres. Nag-aral kuno tapos tumanggap ng pelikula at kung anu-ano pa.
It seems ayaw ng aktres na matali sa responsibilidad. At may pagka-Baliwag (baliw) beauty din siya sa larangan ng pag-ibig. Lagi namang napupunta sa mga maling lalaki.
Kailan pa kaya mamumulat sa katotohanan ang aktres? Hindi ba niya na-realize na siya rin ang magmamana ng yaman ng kanyang ama kung saka-sakali? Bakit ayaw niyang tulungan ang kanyang ama?





Comments